Korina na-shy, tumangging sagutin kung sabay silang nagsa-shower ni Mar

korin asanchez

“HE’S a provider, hindi ko pa kailangan, ibinibigay na niya!” Ito ang sabi ng premyadong broadcaster na si Korina Sanchez nang makausap ng ilang members ng entertainment press kamakailan sa pocket presscon ng Rated K para sa 10th anniversary ng programa.

Tinanong kasi ate Koring kung anong qualities ni Mar ang nadiskubre niya nu’ng naging mag-asawa na sila at sinabi nga nitong napakarami pa niyang nalaman tungkol kay Sec. Mar. “Ang isa pa sa mga reformed movements, dati, kanya-kanya talaga kaming uwi sa gabi, bahala na kung tulog na siya o ano, wala talagang paalamanan.

“Ngayon, talagang we make it a point na we are there at home together at night, he likes dinner time with me, sabay kami. Kapag hindi siya makakapag-dinner, magsasabi siya, ako rin magsasabi or (he’ll) ask, ‘oh, what’s your schedule this weekend?’ pag sinabi niyang ‘I really have to be with the President (P-Noy), so ako naman, magi-schedule na rin ako ng family ko, so para there are days na kami lang talaga ang magkasama,” kuwento ni Korina.

At mas madalas daw si Sec. Mar ang nagsasabi ng, ‘I love you’ sa asawa, “‘I’m so happy to be with you’ sabi niya with a kiss, with a hug,” masayang kuwento pa ng anchorwoman.

Natanong kung sabay ding nagsa-shower sina Mar at Korina, “ano ba, ayokong sagutin ‘yan, papagalitan niya (Mar) ako,” humahalakhak na sagot sa amin.

Tinanong din kung naghihilik daw si Sec. Mar, “when he’s tired, pero kung hindi, wala naman, oo grounds for annulment ‘yan.”
At sa tanong namin kung ipinagluluto ni Korina si Mar ng hapunan dahil nga sabay silang nagdi-dinner, “Oo naman, pero hindi madalas, pero ang totoo, once a year during Valentine’s (day), Reggee, ang sarap magluto ng kusinera namin, bakit ko pa siya kukumpetisyunin at saka pinsan niya si Margarita Forres (may-ari ng Cibo), si Malou Forres.

“Pero pag Valentine’s, ako talaga nagluluto, ‘yung mga especialty ng mother ko, masarap magluto ‘yun kasi Kapampangan, masarap siyang mag-callos, iba. Sige one time magluluto ako sa inyo (entertainment press), sa bahay, promise,” masayang kuwento pa ni Koring.

Natanong din kung may sariling bahay na ang dalawa, “Wala, doon pa rin (white house), di ba sa loob ng compound, may main house, e, may sariling bahay na si Mar doon at saka family oriented siya, ayaw niyang iwan at saka ang mama niya, ayaw niyang iwan naman kasi 80 years old na si (mommy) Judy, so ako naman, parang nawala na ‘yung urge ko to have my own home, kasi I grew up in a big house.

“Pero ‘yung (condo) sa the Fort, half-way home ‘yun like if there’s a meeting sa Makati. But we really live in Cubao (Tuazon).”
At dahil bachelor’s pad naman daw ‘yung bahay nila ni Mar sa Cubao ay aminado si Korina na hindi kasya ang lahat ng gamit niya tulad ng mga sapatos, “My shoes are all in orocan (plastic container), kasi kulang ‘yung space, eh.”

Tinanong namin na kung may kalokohan din ba sa katawan ang mister niya dahil base sa nakikita namin ay masyadong straight at parang hindi marunong magbiro, “Mayroon din, mababaw nga ‘yun, sobrang babaw, pero ‘yung kalokohan na ano, wala, sobrang straight ‘yun as in, hindi kurakot, wala kang masisilip, kaya nagkasundo sila ni PNoy kasi walang bahid ng kurakot.

“Mababaw lang ‘yan like noong Holy Week, nagpunta kami sa Baguio sa rest house nila, sabi niya magte-trekking kami with our complete gears (sabay pakita ng mga larawan nila na nakasuot ng backpacks at may sukbit pang banig), sabi ko, ‘huh, saan?’

“Tapos sabi niya rito (sa palibot ng bahay), natawa ako, pero ang laki-laki naman kasi talaga nu’ng compound, para lang ma-feel na nag-trekking kami at nagtayo kami ng tent.

“Sa tent kami natulog for two days at sobrang lamig kasi mataas, e, at maraming puno. Ang ganda nga kasi paggising ko, ang ganda ng liwanag,” masayang kuwento pa ni ate Koring.

Marami pang tsika si Ms. K bossing Ervin pero pawang off the record na, at hindi mo iisiping may ganitong nakakatuwang ugali pala si DILG Sec. Mar.

Read more...