P33M jackpot sa Mega Lotto 6/45 nakuha sa Cavite

mega 6-45

Sa Cavite tumaya ang nanalo ng P33.4 milyong jackpot prize sa huling bola ng Mega Lotto 6/45.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, operator ng lotto, ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Bacoor. Siya ang nag-iisang nakakuha ng mga numerong 04-39-13-16-05-30 sa bola noong Biyernes ng gabi.
Nagkakahalaga ng P20.7 milyon ang itinaya sa naturang bola.Nanalo naman ng tig-P45,060 ang 23 mananaya na nakakuha ng limang numero.
Tig-P570 naman ang 1,433 mananaya na naka-apat na numero at balik-taya (P20) ang 25,260 mananaya na nakatatlong numero.
Binobola ang Mega Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Ang minimum jackpot prize ay P9 milyon.

Read more...