Sylvester Stallone bumisita kay Pacquiao

stallone

BINISITA ni Hollywood legend Sylvester Stallone si boxing champ Manny Pacquiao habang nagsasanay sa Wild Card Gym. Ipinost ni Pacquiao  ang kanilang litrato ni Stallone sa kanyang Facebook account.

“Sylvester Stallone!” sabi ni Pacquiao sa kanyang post. Hindi ito ang unang pagkakataon na binisita ni Stallone si Pacquiao. Nauna niyang binisita si Pacman bago ang kanyang laban kay Chris Algieri sa 2014 sa  Macau.

Binigyan pa ni Pacquiao si Stallone ng isang boxing glove  na may autograph.Makikita sa kanilang litrato na kunwari ay sinuntok pa ni Pacquiao si Rambo sa kanyang baba.

Patuloy ang matinding pagsasanay ni Pacquiao sa harap ng kaniyang nalalapit na laban kay Floyd Mayweather Jr. sa Mayo  2.

Read more...