SINABI kahapon ng Palasyo na korte na ang magdedesisyon kung papayagan si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na isailalim sa house arrest matapos namang gawin itong birthday wish ni Manila Mayor Joseph Estrada.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma na nakikiisa rin ang Malacanang sa pagbati kay Estrada na nagdiriwang ng kanyang ika-78 kaarawan ngayong araw.
“Mainam na ipaubaya sa hukuman ang pagpapasya hinggil dito. Tungkulin ng mga taga-usig ng pamahalaan o ng mga prosecutors ng DOJ (Department of Justice) na tukuyin ang usaping ito kung maghahain ng petisyon sa hukuman,” sabi ni Coloma kaugnay ng house arrest ni Arroyo.
Nauna nang sinabi ni Estrada na dapat ay pagbigyan na ang hinihiling na house arrest ni Arroyo sa harap ng kanyang lumalalang kondisyon.