AMY delikado ang pagbubuntis

Kaya papalitan na ni Gelli sa Face To Face

SI Gelli de Belen na ang bagong host ng Face To Face dahil magbabakasyon muna si Amy Perez.

Dalawang buwan na kasing buntis si Amy (pangatlong anak na niya) at pinayuhan siya ng doktor na kailangan niyang magpahinga dahil maselan ang kanyang lagay.

Alam naman ng lahat kung gaano ka-stress ang programang Face To Face at hindi nga naman maganda ito para sa kalagayan ng TV host kaya nakiusap siya sa TV5 na magpapahinga muna siya.

Hindi madali para sa TV host-actress na bitiwan ang programang kanyang pinasikat at minahal pero dahil magaling naman ang kanyang magiging kapalit ay mukhang magiging panatag naman si tiyang Amy.

Magaling na TV host si Gelli at napatunayan naman niya ito noong kasama pa niya sina Carmina Villaroel at Janice de Belen sa Sis ng GMA 7.

At sa dalawang taong pag-ere ang Face To Face ay isa ito sa may pinakamataas na ratings sa TV5 kaya naman kampante si Tyang Amy na hindi ito bibitiwan ng loyal viewers kapag si Gelli na ang host.

Read more...