Sa kasawiang-palad, nakatulog ako that day at nagising ako bandang 2:30 p.m. na kaya hindi ko nasilip ang laban nila.
Kahit hindi ako mahilig sa boxing, I would always get to watch his past matches kasi nga, pag gising ka at lahat ng kagrupo mo ay aligaga sa panonood, alangan namang hindi ka manood, di ba?
Kaya I had the best excuse na hindi ito mapanood dahil tulog ako. Yeheyyy!
When I woke up, I read a few messages regarding the said bout.
May ilang nalungkot pero mas marami ang natuwa sa kanyang pagkatalo.
Masyado raw kasing ginamit ni Pacquiao ang Diyos kaya malamang daw ay nakarma siya.
Kasi, di ba naman? When he was still in Manila before the match, he was so vocal about his following the Bible. Walang masama sa pagiging fanatic ng Bible basta ba ginagamit mo ito sa tama.
Inaaplay mo sana ng tama sa buhay mo.
Naging OA kasi si Pacquiao sa pag-aaral niya ng Bibliya ngunit hindi naman niya sinusunod ang mga kautusan ng Panginoon.
Kung makapangaral siya about the words of God ay ganoon-ganoon na lang pero napaka-selective niya sa mga nababasa niya.
Sabi namin, mas malaking kasalanan ang ginagawa niya – at yung gagawin pa lang niya before the fight. Kasi bawal sa mata ng Diyos ang makapanakit ka ng tao.
Kahit sabihin mong boxing is a sport, hindi pa rin tama ito sa mata ng Diyos dahil you are deliberately hurting another son of God for a prize.
You have to knock down an opponent to win a prize.
And in the name of the billions of pesos at stake, hindi sinunod ni Pacquiao ang kautusan ng Panginoon.
That’s how we see it. Kaya siguro siya natalo, pinitik siya ni Lord.
“Mabuti nga sa kanya.
Mula kasi nang yumaman silang mag-asawa, ang taas-taas na ng ihi nila.
Yumabang na sila. Hindi na sila marunong lumingon sa kanilang kahapon.
Kung umasta sila, para silang nakalutang sa lupa,” anang isang buwisit lalo na sa asawa ni Manny na si Jinkee.
“Natural lang naman na magkaroon ng pagbabago sa pagkatao nila dahil hindi naman nila nakasanayan ang karangyaang tinatamasa nila ngayon, ‘no!
Marami lang talagang Pinoy ang naiinggit sa narating nilang mag-asawa,” sabi naman ng isang supporter ng mag-asawang Pacquiao.
“Hindi rin. Puwede ka namang mag-grow as a person and with the help of your wealth and influence, dapat ay grounded ka pa rin.
Okay, nandoon na tayo na talagang magbabago ang takbo ng buhay nila, pero hindi naman yung gusto nila ay kanila na lang lahat.
Hindi pa ba sila kuntento sa kung anong meron sila?
Gusto nila lalo pa silang yumaman.
Nakarma siya kaya natalo.
“Kung napapansin ninyo, nu’ng hindi pa siya nagbabasa ng Bible ay palagi siyang panalo.
Hindi ko sinasabing masama ang pagbabasa niya ng Bible, kaya naging mali ang panuntunan niya sa pagbabasa ng Bible kasi hindi siya marunong sumunod sa kautusan ng Diyos kaya siguro nagalit sa kanya si Lord.
It is not the end of the world anyway, meron pa namang malaking pagkakataong makabawi siya.
“Kung talagang mabuti siyang anak ng Diyos ngayon, dapat tanggapin na niya ang pagkatalo niya at sumunod na sa utos ni Lord ngayon, ang huminto na sa pagboboksing.
That’s one hell of a challenge – ang pagsubok na ibinigay ng Diyos sa kanya ngayon.
Maglalaban siyempre sa puso niya ang kasuwapangan sa power and money,” anang isang friend namin.
Pero mukhang hindi papayag si Pacman na umuwing talunan.
He will not settle this way, lalaban at lalaban pa rin iyan hanggang sa kahuli-hulihang sandali.
That’s a common feeling for everyone, after winning eight or more matches in the past at matalo siya for the first time ngayon, malamang na pipilitin niyang bawiin muna ang korona niya bago siya mag-retire.