HOLLYWOOD—Nagpatuloy ang traning ni Manny Pacquiao kahapon kabilang ang high altitude run sa Griffith Park kung saan matatagpuan ang sikat na higanteng HOLLYWOOD sign.
Inorasan ni assistant trainer Buboy Fernandez ang takbo ni Pacquiao paakyat sa observatory at natuwa siya sa resulta. “When I read 54.48 seconds, I was very happy,” sabi ni Fernandez.
“It meant Manny’s time on the steeper terrain was similar to what he registered on his usual routes at Griffith Park.” Sa akyatang iyon ay naiwan niya ang mga kasamang boxers na sina Juanito Rubillar and Reynante Jamili.
“He’s too fast, the others were left behind,” dagdag ni Fernandez. “And to think that the inclines were usually over 45 percent.” Hindi nababahala ang Team Pacquiao sa itinatakbo ng training at sa kundisyon ni Pacquiao.
“There’s no problem as to Pacquiao’s training thus far. A little bit more fine-tuning and polishing and he’ll be 100 percent ready to deal Mayweather his first loss.”
Ang laban ay itinakda sa 147-pound welterweight division kung saan nakataya ang World Boxing Organization (WBO) title ni Pacquiao at ang World Boxing Council (WBC) at World Boxing Association (WBA) crowns ni Mayweather.
Sa labang ito ay hindi nababahala ang Team Pacquiao sa timbang ng Pambansang Kamao. Hindi nalilimita ang kanyang pagkain dahil hindi naman kailangang magbawas ng malaki sa timabang si Pacquiao.
“Right now his weight fluctuates between 148 to 149 pounds, so it’s no longer an issue.” sabi ni Fernandez. “What we’re wary of is accidental injury or sickness.”
Kaya naman sinisiguro ng security ni Pacquiao na ang mga taong nakakahalubilo ni Pacquiao ay walang ubo, sipon o lagnat para huwag mahawa. It’s better to be safe than sorry.