Cristine puro gastos at pagyayabang ang ginawa noong kasagsagan ng kasikatan

cristine reyes

AMINADO ang dating sexy actress na si Cristine Reyes na napakarami niyang sinayang na pera, oras at panahon sa walang patumanggang paggimik at kung anu-ano pang walang kwentang bahay noong single pa siya.

Kapag naaalala raw niya ang mga pinaggagagawa niya in the past ay talagang merong panghihinayang lalo na ngayong meron na siyang sariling baby.

Sa kanyang Instagram account, inlabas ni Cristine ang kanyang saloobin sa tinawag niyang “luxurious but empty life.”
“This moment shows when my life was still pretty awesome!!! I reigned as number one, out of all the girls.

“I was at the peak of my career, traveling around the world, and I shopped ’til I exceed the limit of my credit cards,” mensahe ng mommy ni baby Amarah.

Bukod dito, inamin din ng aktres na bumibili siya ng mga mamahaling sasakyan noon para lang ipagyabang at makasabay sa mga kasamahan niya sa showbiz. Ilan nga rito ay ang mga sasakyan niyang Ford Mustang sports car at Dodge SUV.

Aniya, “And of course, I’ve had to keep up with the people I worked with. I had to get my own luxury car: to impress and self satisfy. I showed my sports car off and drove to our Sunday variety show.

Partied everywhere and throwing them were my favorite!” Pero nang dumating na raw si baby Amarah sa buhay nila ng kanyang boyfriend na si Ali Khatibi ay marami siyang na-realize tungkol sa buhay.

“I wasted my hard-earned money thinking that it’s going to save on its own. “I had No responsibilities. It was fun. Actually too much of it that it became pointless.

It was glamorous, pleasurable, and a VERY EMPTY LIFE. #happygolucky!” chika pa ni Cristine.

Read more...