Kris umatras sa pelikula nila ni Claudine, natakot mademanda

claudine barrettto

Malabo nang gawin ni Kris Aquino ang pelikulang “Etiquette For Mistresses” na ididirek ni Chito Roño mula sa Star Cinema na pagsasamahan sana nila ni Claudine Barretto.

Sitsit sa amin, umatras na raw ang host ng Kris TV at Aquino & Abunda Tonight na gawin ang pelikula dahil conflict ang role niyang kabit sa ilang endorsement contract niya.

Naka-stipulate kasi sa kontrata na hindi puwedeng mapanood ang Queen of All Media sa mga ganitong klaseng papel mapa-pelikula man o teleserye.

Kaya ang plano ng Star Cinema ay pagpalitin na lang ang role nila ni laudine, siya na ang magiging legal wife at si Claudine ang lalabas na kabit.

Ang kaso, iilan lang daw ang exposure ng legal wife sa pelikula dahil nga ang kabit ang bida rito. As of this writing ay nasa Singapore si Kris kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby para i-celebrate ang kaarawan ng kanyang bunso kaya hindi pa namin natatanong ang tungkol sa isyung ito.

Read more...