Rated K ni Korina kailangang makaipon pa ng 1 milyong tsinelas ngayong 2015 | Bandera

Rated K ni Korina kailangang makaipon pa ng 1 milyong tsinelas ngayong 2015

Ervin Santiago - April 18, 2015 - 12:00 AM

mar roxas

Nananatiling nasa taas ng national ratings ang award-winning weekly magazine show ng ABS-CBN – ang Rated K ni Korina Sanchez-Roxas – bilang isa sa highest rating at most watched shows ng Kapamilya network base sa overnight ratings ng Kantar Media/TNS among Total Philippines (urban and rural) mula Enero hanggang Marso 2015.

Ipinagdiriwang ng Rated K ang ika-10th anibersaryo nito at mula noong historic pilot episode nito in 2005, patuloy na naging faithful ang show sa commitment nito na mag-provide ng extraordinary stories ng mga ordinaryong mga tao sa milyun-milyong mga Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo.

Isa ang Rated K sa mga pinagkakatiwalaang platforms ng mga lokal at international celebrities pag dating sa kanilang mga personal na istorya ukol sa pagibig, pagdadalamhati, takot, pag-asa, pagkatalo, at tagumpay.

Ang flagship advocacy ng Rated K, ang Handog Tsinelas Campaign ni Korina ay na-touch ang mga buhay ng di mabilang na mga kabataang Pinoy with its main objective to give free rubber slippers sa mga nakapaang bata mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Mula ng ito ay itinatag, nakapagbigay na ang campaign ng humigit-kumulang na two milyong pares na mga tsinelas at layunin ni Korina na muling makalikom ng isang milyong pares ng tsinelas ngayong 2015.

In line sa 10th anniversary celebration ng Rated K, Korina recently launched a new segment na pinamagatang “K Suwerte, Suwerte”, which makes the wildest dreams of the show’s loyal viewers a reality. Korina and her team are also touring the country in search of astonishing stories.

The segment was able to help a junior baseball league na naka-base sa Batangas City with school bags and supplies; isang biyuda na may walong anak ng appliances at household supplies; at isang masipag na estudyante with a full college scholarship among many others.

Sa nakalipas 10 taon, naging finalist ang Rated K sa New York Festival World Awards (2009 at 2012); at naging Hall Of Fame recipient sa Catholic Mass Media Awards, Golden Dove at Anak TV Awards.

Korina on the other hand, is honored as Highly Commended as Current Affairs Presenter sa 2012 Asian TV Awards para sa kanyang outstanding work sa Rated K.

Patuloy na tutukan ang Rated K tuwing Linggo pagkatapos ng Wansapanatym sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending