Mamasapano at mamamakla | Bandera

Mamasapano at mamamakla

Lito Bautista - April 17, 2015 - 02:00 AM

TAKTIKANG Mamasapano ang ginamit ng hinihinalang mga sangkot sa droga at gunrunning sa North Bay Boulevard North sa Navotas nang lusubin sila ng mga pulis PO Box para ihain ang warrant of arrest sa isang akusado. Ang paghahain ng warrant of arrest at raid ay masusing pinag-aaralan at masidhi ang plano. Hindi ito basta-basta isinasagawa kung ang subject ay armado o may kakayahang lumaban, makapanakit o pumatay.

Maraming hepe ng pulisya, o CO (commanding officer) ang bobo, o tinakasan nan g sentido kumon. Ang lunas ay pag-aralin o turuan. Mas maraming hepe ng pulisya, o CO, ang tanga. Walang paaralan para sa mga tanga at mas lalong maraming ospital at sementeryo para sa mga tangang hepe ng pulisya, CO.

Simula Enero 25, araw-araw ay nasa Bandera at mga pahayagan ang nangyari sa Mamasapano, Maguindanao. Kamakailan ay naisulat ko ang “Mamasapano” ng droga sa Phase 12 at Balwarte sa Barangay Bagong Silang, Caloocan, ang pinakamalaki at pinakamataong barangay sa buong bansa, na kung hahatiin ay tatlong congressional districts na. Ang “Mamasapano” ng droga at taktikang Mamasapano ay isa lang ang estratehiya.

Simple lang ang estratehiya at di na kailangang mag-aral sa Philippine Military Academy, Philippine National Police Academy, Fort Knox at Fort Bragg sa Amerika at sa Israel para ipatupad ito. Papapasukin muna ang kalaban saka babanatan. Sa entrada pa lamang ay pinag-aaralan na ang dalang mga armas at bilang ng mga pulis.

Kapag nakuha na ang pakay at papalabas na ay saka babanatan ang mga pulis, tulad ng nangyari sa Phase 12 (dalawang ahente ng NBI ang namatay at dalawa ang sugatan) at Balwarte. Kapag kumpleto ang demonyo sa Balwarte, babanatan agad ang mga pulis pagsapit nila sa bandang gitna (dalawang pulis, tepok), kaya di na sila makalalabas nang buhay. At ganito mismo ang nangyari sa Navotas, sa kabila nang hindi naman bobo at tanga ang hepe na si Senior Supt. Romeo Uy; na magaling na pulis naman.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa ulo si PO1 Julius Mendoza at sugatan sanhi ng tama ng mga bala ang mga kasamang sina PO2 Aldeen Legazpi, PO1 Isaac Orellanes at PO1 Rolando Cruz. Dalawang residente ang caught in crossfire, o tinamaan ng ligaw na bala. Alas-11:30 ng gabi nang lumusob ang mga pulis sa lungga ng mga ilegalista. Siyempre, maaga pa iyan at gising na gising pa ang mga ilegalista.

Si Mendoza ay hindi itinanghal na bayani at tinambakan ng napakaraming benepisyo ang mga naulila. Sina Legazpi, Orellanes at Cruz ay walang tinanggap na survivor aid at walang trumpeting hinipan para sila papurihan. Wala ring resolusyon ang konseho ng Navotas para papurihan ang kanilang katapangan (huwag naman sanang kantiyawang “katangahan”). Pero, lumuluha’t naghihinagpis ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ang “pamamakla” sa Caloocan, lalo na sa Barangay Bagong Silang, Camarin, Tala at Malaria, ay karaniwang buhay ng mahihirap at hindi mahihirap, pero hindi naman sila mayayaman. Ayon sa ulat, isinisi sa kahirapan ang pagbebenta ng laman ng 16-anyos na mga binatilyo sa mga bakla. Mali ito. Dose-anyos pa lang ay napipilitan nang magbenta ng laman ang batang lalaki sa bakla sa mga lugar na nabanggit. Iba ang presyo ng 12-anyos.

Ang pinakabatang mga sex workers, lalaki man o babae, ay matatagpuan sa Tala, sa plaza Glorietta, na ngayon ay labis na pinagaganda ng City Hall. Kung noon ay sa Monumento nagbebenta ng laman ang batang mga sex workers, nasa Bagong Silang at Tala na sila ngayon. Kaya naman, meron na ring mga apartel sa Caloocan North. Hindi ito biglang liko dahil nasa tabi lamang ito ng kalye o main road. Biglang hinto.

Hinggil sa pamamakla, dinarayo na ang North Caloocan ng mapeperang bakla sa Quezon City, na nagmula sa Lagro at North Fairview, at meron na ring balita na isang bakla na galante mula sa Pilar Village, Las Pinas ang dumayo rito. Mantakin ba namang P300 lang ay meron na silang laruan. Ang P300 ay bukod sa bayad sa bugaw. Iba ang singil ng bugaw, base sa madatung na bakla.

Hindi maituturing na slum areas ang nabanggit na mga lugar dahil ang mga ito ay resettlement areas. Maaaring ang slum areas ay nasa District 2, tulad ng 11th ave., 7 th ave., 5th ave., Maypajo at ilang lugar sa Grace Park. Ang North Caloocan ay masidhing pinauunlad ni Mayor Oscar Malapitan, na hindi ginawa ng nakalipas na alkalde.

Pero, bakit talamak ang pagbebenta ng laman ng mga batang lalaki sa mga bakla? Isang dahilan ay pera at dagdag-kita. Ikalawang dahilan ay may lambing daw ang mga bakla. Higit ding tinatangkilik ng mga bakla ang mga binatilyo dahil walang “rape for pay,” yung magrereklamo ng rape ang binatilyo para perahan ang bakla. Taliwas ito sa mga dalagita na nagbebenta ng laman sa mga lalaki.

Hindi nakapagtataka kung bakit mataas ang antas at bilang ng HIV-AIDS sa Caloocan. Base sa kasaysayan, sa termino ng Unang Asistio, ang mga pampam sa A. Mabini ay pamalit sa mahal na presyo sa Kuli-Kule, Santa Ana, Ermita, Quiapo at Marikina. Ang Caloocan noon, o second district, ay pinakatahimik pa at hindi napagnanakawan ang mga customer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ilang lugar sa North Caloocan, ang pamamakla ay sanhi ng bisyo. Bata pa lang ay lulong na sa bisyo ang mga lalaki: yosi, Red Horse, MP, omad, shabu. O kundi’y ang pangarap ng yagit na makabili ng branded na t-shirt sa SM Fairview at Fairview Terraces. Aangat siya sa grupo kung ang suot niya ay branded t-shirt, pero alam naman ng lahat na nabili ito dahil sa pagseserbisyo sa bakla. Eh di wow, anang yagit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending