Maja mas magaling kina Bea at Angel

MAJA SALVADOR

MAJA SALVADOR

Speaking of pagiging magaling at sensitibong aktres, iyan na ngayon ang tingin ng marami kay Maja Salvador na sobrang napapabilib ang manonood sa serye nilang Bridges Of Love sa ABS-CBN.

Grabe! Sa totoo lang, aktres na aktres na talaga ang mahusay na aktres, lalo na sa mga eksena niya with Paulo Avelino and Jericho Rosales. At matapos ngang umamin si Gerald Anderson na hiwalay na sila ni Maja, feeling namin mas marami pang paghuhugutan ang aktres sa kanyang madadramang eksena sa Bridges Of Love.

Sorry but we have to say this – among our new breed of teleserye artists, si Maja na siguro ang pinakamahusay sa mga girls. With all due respect kina Bea Alonzo, Angel Locsin at iba pa, na napanood din naming nagbida sa mga respective soap opera nila, iba pa rin ang natural na natural na akting ni Maja .

Bilang si Mia sa naturang soap, ramdam mo talaga ang pinagdaraanan ng karakter niya pati na yung mga nuances niya bilang isang babaeng kinikilig sa isang lalaki ay palung-palo para sa amin.

Here’s looking forward to more exciting scenes sa Bridges Of Love lalo pa’t mukhang malapit nang magkakilala ang long lost brothers na sina Echo at Paulo.

Read more...