Parang true nga ang nasulat na waley at hindi havey ang drama sa mga buyers ng concert tickets ni Alex Gonzaga.
Matumal nga ang bentahan ng concert ticket niya kaya naman todo promo si Alex sa social media, kung anu-ano ang ipino-post niya maengganyo lang manood sa kanya ang kanyang followers.
We chanced upon her message wherein she is parang nagmamakaawa na bumili ng tickets ang kanyang fans. Meron pang promo para sa concert niya coming from her newest endorsement na isang brand ng bags and shoes. When you buy a product worth P2K ay puwede kang manalo ng ticket sa concert ng younger sister ni Toni Gonzaga.
Yes, they are that desperate na makabenta ng ticket. Baka kasi hindi mapuno ni Alex ang concert venue niya, eh, di siya pa ang lumabas na kahiya-hiya.
Saan ba kasi kumukuha ng lakas ng loob itong si Alex para mag-concert nang solo at sa Big Dome pa? Baka kay Anne Curtis!!!
Anyway, tingnan na lang natin kung maging effective ang ginagawang “pagmamakaawa” ni Alex sa kanyang fans para bumili ng ticket sa kanyang concert.
Baka nga naman makabenta pa sila bago ang judgement day. But sa true lang, we feel na nagkamali talaga ng desisyon si Alex at ang producer niya na gawin ang concert sa Araneta.