Ulo isinabit sa puno ng Langka

NATAGPUAN  ang nawawalang ulo ng obrero na unang napaulat na pinagsasaksak at pinugutan ng mga armado sa Malaybalay City, Bukindon, ayon sa pulisya.
Nadiskubre ng mga kamag-anak ang ulo ni Roger Gando sa loob ng isang plastic bag na nakasabit sa puno ng Langka Miyerkules ng gabi, sabi ni Inspector Jiselle Longakit, tagapagsalita ng Bukidnon provincial police.
Ang naturang puno ay 40 metro lang ang layo sa bahay ni Gando sa Purok 11, Sitio Mabuhay, Brgy. San Jose, aniya.
Matatandaang pinagsasaksak at pinugutan ng tatlong armado si Gando sa gilid ng Panulod-an River noong Martes at iniwan ang katawan niya doon.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin, ani Longakit.

Read more...