BUMABA pero nangunguna pa rin si Vice President Jejomar Binay sa survey ng Social Weather Station kung sino ang dapat na pumalit kay Pangulong Aquino pagbaba nito sa 2016.
Kapansin-pansin naman ang 10 porsyentong itinaas nina Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa survey na isinagawa noong Marso 20-23.
Nakakuha si Binay ng 36 porsyento mula sa 37 porsyento sa survey noong Disyembre.
Pumangalawa si Poe na nakakuha ng 31 porsyento mula sa 21.
Pangatlo naman si Interior and LOcal Government Sec. Mar Roxas na nakapagtala ng 15 porsyento, mababa ng apat na porsyento sa huling survey ng 2014.
Pang-apat naman si Duterte na nakakuha ng 15 porsyento mula sa 5 porsyento.
Paglima naman sina Sen. Miriam Defensor Santiago (11 porsyento), at Manila Mayor Joseph Estrada (11) na nagsabi na hindi siya tatakbo sa presidential race.
Sumunod naman si Sen. Francis Escudero (8), Sen. Bongbong Marcos (7), Sen. Alan Peter Cayetano (4), dating Sen. Manny Villar (3), Sen. Antonio Trillanes (3), dating Sen. Panfilo Lacson (1), Sen. Loren Legarda (1), Sarangani Rep. Manny Pacquiao (1), Sen. Ramon Bong Revilla Jr., (1), at Sen. Franklin Drilon (1).
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents na tinanong ng tatlong pangalan kung sino sa palapag nila ang dapat pumalit kay Aquino. Unang nailathala ang resulta ng survey sa BusinessWorld, ang media partner ng SWS
Grace Poe umariba sa presidential survey; aabutan na si Binay
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...