Narito na ang talent show na babago sa pananaw ng mga Pinoy sa mga nakasanayan nating timpalak ng kantahan. Sa bagong show ng TV5 na RisingStars Philippines, ang pinakakinahihiligang libangan ng bawat Pilipino—ang videoke—ay pwedeng nang maging daan para sa kasikatan.
Sa contest na ito, mas maraming nangangarap sumikat bilang singer ang pwedeng sumali. Hinalughog ng RisingStars team ang 200 audition venues sa mahigit 20 lugar sa buong bansa, mula sa mga barangay, eskwela, at sa mga nalalapit na mall.
Pero bukod sa tradisyunal na auditions, pinadali ng RisingStars ang pagsali para kahit ang mga nasa bahay lang ay may pag-asa pa ring makapasok sa kompetisyon.
Gamit ang RisingStars Karaoke app na libreng i-download sa Google Play store, maaaring i-record ang napiling kanta gamit ang Android smartphone at i-send ito bilang audition video. Kung gagamit ng webcam sa laptop o PC, bukas din ang website ng RisingStars (www.risingstars.ph) para mag-upload ng audition videos.
Kahit sino mula 13 pataas ay pwedeng sumali. Matapos ang ilang buwan ng pamimili at botohan online, nagkaroon ng mga live mall show para mapili ang mga singer na maglalaban-laban hanggang sa semi-finals na ipapalabas nang live sa TV5. Sa 12 mall nagtapat-ang mga singers na napili para patunayang sila ang pride ng kanilang hometown.
Sa paggamit ng usong-usong technology trends ngayon, namumukod-tangi ang RisingStars Philippines dahil ito ang kauna-unahang singing contest na base sa isang mobile app. Imbes na pipila pa sa audition venues, hindi na kailangang gumastos ng pamasahe o lumuwas mula sa malalayong lugar para lang masubukang sumali.
Isa pa, kahit nakapili na ng semi-finalists mula sa on-site auditions, website at mobile app, hindi pa rin huli ang lahat. RisingStars ang may kauna-unahang Challenge option kung saan kahit sinong manonood ay pwedeng mapalitan ang contestant sa show na napili niyang hamunin. kung tingin niya ay mas magaling niyang maaawit ang kanta nito at makakakuha siya ng sapat na boto. Lahat ng may ibubuga sa kantahan ay pag-asang manalo sa RisingStars.
Ang RisingStars Philippines ay pinangungunahan ng batikang host-comedian-OPM advocate na si Ogie Alcasid, kasama ang beauty queen na si Venus Raj at si Mico Aytona bilang roving reporter. Si Ogie ay talagang excited sa palabas.
“Walang duda na lahat sila ay magaling, pero ang hinahanap talaga namin ay ang susunod na RisingStar,” aniya. Bilang former pageant contestant, dinagdag ni Venus, “The journey is more important than the destination.
Lahat tayo ay nagnanais manalo, pero ang pangunahing mithiin dapat ay mapatunayan ang kakayahan mo sa iyong sarili, manalo man o matalo.”
Ang mga hurado ng RisingStars ay hindi na rin bago industriyang ito: ang acoustic singer/songwriter na si Jimmy Bondoc na siyang nagpasikat ng “Let Me Be The One,” ang multi-awarded Diamond Soul Siren na si Nina, at ang kinawiwilihang DJ na takbuhan ng madla para hingan ng matunog na payo: si Papa Jack.
Abangan ang RisingStars tuwing Sabado, 10PM sa TV5.
I-follow sila sa social media para manatiling updated: sa website (www.risingstars.ph), Facebook (/risingstars.ph) at Twitter (@risingstarsasia).
Panoorin ang teaser para sa next episode ng RisingStars: https://youtu.be/BqIOF1hzAGY
(ADVT of RisingStars Philippines)