Nanalo ng P15.1M di alam kung ano ang gagawin

Lotto 6/42

Lotto 6/42

Hindi alam ng 42-anyos na lalaki kung ano ang gagawin sa napanalunang P15.1 milyong jackpot prize sa Lotto 6/42 kay idedeposito na lang muna niya ito sa bangko.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay taga-Cavite at isang government employee. Siya ay may-asawa at dalawang anak.
Siya ang nag-iisang nakakuha sa mga numerong 03-05-10-16-19-37 sa bola noong Marso 28.
Galing umano ang mga numero sa kaarawan ng kanyang mga mahal sa buhay. May 15 taon na siyang tumataya sa lotto.
Nagkakahalaga ng P40 ang kanyang itinaya ng manalo.
Sa kanyang pakikipag-usap kay Rojas sinabi ng nanalo na hindi pa niya alam kung ano ang gagawin sa kanyang premyo kaya ilalagay muna niya ito sa bangko

Read more...