SUNUD-SUNOD ang ginawang sexy pictorial ng Kapatid actress na si Jasmine Curtis sa mga glossy magazine. Ilan nga sa mga ito ay ang pagpo-pose niya ng naka-two piece sa Men’s Health, Trip, Rogue at Uno magazine.
In fairness, kahit na nga nagpapaseksi na si Jasmine sa kanyang mga pictorial ay wholesome pa rin ang dating, meaning hindi bastusin, tulad din ng kanyang ate na si Anne Curtis.
Pero nilinaw ng dalaga na hanggang pictorial lang ang pagpapaka-daring niya, “It’s not naman pagpapa-sexy talaga. Ang focal point ng mga ginawa kong pictorial ay para sa health campaign nila (magazine).
I’m already 21, so hindi na bumabata kaya kailangan ma-establish na yung healthy lifestyle. And ayokong isipin ng tao na yun (pagiging daring) ang magiging career path ko.”
Kaya ba niyang tapatan ang pagiging palaban ng ate niya sa pagpapa-sexy? “Naku, ibang level naman po si ate. Iba ang pagiging fit nu’n. Hindi ko pa kaya ang ganu’n,” sagot ni Jasmine.
She just turned 21 last April 6 at isang simpleng celebration lang ang ginawa ng TV host-actress sa Thailand kasama ang isang malapit na kaibigan.
Sabi nga ng dalaga sa isa niyang Instagram post noong kaarawan niya, ang taong kasama niya sa pagbabakasyon sa Thailand ang nag-iisang kumanta ng “Happy Birthday” sa kanya. Ito rin ang nagbigay ng cake sa kanya na tinawag niyang “Bebe Gian”.
Nag-post pa siya ng litrato sa IG hawak ang kanyang birthday cake na may caption na: “My only companion on this trip sang Happy Birthday to me several times yesterday while we were out.
When we got back to the room I had another cake waiting for me.” Sa ibinigay na birthday presscon para kay Jasmine nitong Martes ng kanyang talent management na Vidanes Celebrity Marketing sa Discovery Suites, tinanong sa aktres kung meron na bang kapalit si Sam Concepcion sa buhay niya, tugon ng dalaga, wala siyang boyfriend ngayon at hindi totoong nagkakamabutihan na sila ni Paulo Avelino na nakipaghiwalay na rin kay KC Concepcion.
Ngayon daw ay ine-enjoy lang ni Jasmine ang pagiging single, at naka-focus siya ngayon sa kanyang trabaho at sa ilang charity works, kabilang na nga riyan ang pagiging newest youth ambassador ng World Vision.
At nang kulitin ang sisteraka ni Anne tungkol sa break-up nila ni Sam at sa tunay na estado ng relasyon nila ni Paulo, ang naging tugon lang nito, “I just want to respect everyone, their privacy, their private personal life.”
“But yung kay Paulo, like I said, it was a group dinner. Like he (Paulo) said, co-workers go out and kasama naman po ‘yung direktor namin doon. It’s been answered already.”
May pelikulang ginagawa ngayon sina Paulo at Jasmine kasama si Isabelle Daza.Nag-open up ba si Paulo sa kanya tungkol sa paghihiwalay nila ni KC? “Tingin ko naman po it’s not fair for me to disclose any information that he might have shared with me.
Like I said, respect for him, whatever is going through, whatever he is facing much like I’m sure other artists that I’m friends with would respect me and what I share with them.”
Ano naman ang masasabi niya sa kanyang bashers at mga nagkokomento ng mga negatibo laban sa kanya? “I think all artists are quite misunderstood. Siyempre nakikita kami as how we are presented. Ganu’n talaga, eh.”
“Kahit ano naman ang ipakita namin sa inyo kung paano kami in real life through our social media accounts, meron pa rin kayong ibang makikita through what is shown in the news or what is written about us in magazines or newspapers so I can’t help that. It’s fine,” hirit ni Jasmine.
Samantala, isa sa mga pinagkakaabalahan ngayon ng Kapatid actress ay ang pagiging youth ambassador nga ng World Vision. Nag-pledge ang dalaga na maghahanap ng sponsors para sa 21 kabataan na inaalagaan ng WV para mabigyan ang mga ito ng magandang kinakabukasan as kabila nga ng kanilang kahirapan.
Actually, matagal nang supporter ng World Vision si Jasmine at isa na ring foster parent sa ilang kabataang nasa pangangalaga ng WV. “For the past four years, I’ve been receiving cards, letters and photos from my World Vision kids.
It’s so heartwarming to see that they’re doing well in school and honing their talents. Nakaka-touch talaga,” pahayag pa ni Jasmine.
Napapanood pa rin ang dalaga bilang host ng Move It, ang reality talent search ng TV5 kung saan mapapanood na naglalaban-laban ang magagaling na dance group sa iba’t ibang bahagi ng bansa.