“Libre sa Mahal na Araw” sa Jam Liner terminal

libre promo

MARAMING salamat sa lahat ng nakisali sa “Libre sa Mahal na Araw” na ginanap sa Jam Liner terminal sa Buendia, Pasay City at Cubao, Quezon City .

Ang “Libre sa Mahal na Araw” ay ginawa ng INQUIRER LIBRE at INQUIRER BANDERA upang libangin at pasayahin ang mga pasahero ng Jam Liner, Inc. nitong nakaraang Semana Santa.

Katuwang ng mga nasabing pahayagan ang Jam Liner, Inc. at Wow Fiesta Videoke sa proyektong ito. Maraming pasahero ang naglaro ng “Find Me” sa digital kiosk ng Inquirer kung saan kailangan lang hanapin ang mga logo ng Jam at Wow Fiesta upang manalo ng bus ticket, food gift certificate, foldable fan, notebook at iba pang items.

Bukod sa “Find Me” game, nagkaroon din ng registration para sa raffle.  Ang masuwerteng nanalo sa raffle draw ay si MARINA MIGUEL, 24, taga-Tondo Manila. Wow Fiesta DVD Karaoke ang kanyang napanalunan.

 

Read more...