Ai Ai pipirma na ng kontrata sa GMA

aiai delas alas

BUKAS na ng umaga pipirma ng kontrata sa GMA Network ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas. Iwe-welcome ng mga executive ng Kapuso station ang komedyana sa pamamagitan ng isang presscon.

Kanina, nabasa namin ang isang post ni Ai Ai sa kanyang Instagram account patungkol dito. Sey ng komedyana, “TOMORROW IS THE BIG DAY—thank you GOD FOR ALL THE BLESSINGS… Tom will be awesome—#aishallreturn.”
Hindi diretsong sinabi ni Ai Ai ang tungkol sa pagpirma niya ng kontrata sa Kapuso station, ngunit siguradong ito na ang ang tinutukoy niya sa kanyang mga IG post.
Samantala, ilang followers niya sa Instagram ang nagtanong tungkol sa gagawin niyang pagbabalik sa GMA, na sinagot naman ni Ai Ai, kabilang na diyan ang question kung sinu-sino ang gusto niyang makatrabaho sa network.
Binanggit ng Comedy Queen ang mga pangalan nina Vic Sotto at Dennis Trillo. Ayon sa ulat, makakasama si Ai Ai sa TV remake ng Let The Love Begin, ang blockbuster movie noon nina Angel Locsin at Richard Gutierrez na pagbibidahan din ng Kapuso teens na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.
Bukod dito, bibigyan din daw ng sariling talkshow si Ai Ai na posibleng itapat sa morning show ni Kris Aquino.

Read more...