ANG payat-payat na ni Ehra Madrigal ngayon. For a while ay nawala sa eksena ang sister ni Michelle Madrigal. ‘Yun pala, talagang kinarir ng sexy actress ang pagpapapayat dahil ramdam na ramdam na niya ang paglobo ng kanyang katawan.
Sa one-on-one interview namin kay Ehra pagkatapos ng presscon ng bagong soap opera ng GMA 7, ang Daddy Dearest (na magsisimula na bukas sa GMA Telebabad) kung saan kasali nga ang aktres ay pinansin agad namin ang kanyang pagpa-yat.
Dito nga umamin si Ehra na nakaramdam na siya ng takot dahil nakita nga niya sa salamin ang kanyang paglaki.
Narito ang kabuuan ng aming panayam kay Ehra.
BANDERA: Ang payat-payat mo na, anong nangyari?
EHRA MADRIGAL: Lumaki kasi talaga ako, so I’ve decided na talagang karirin ko na ang pagpapapayat, kasi before di ba, sexy actress ang tawag sa akin, pero there came a time na marami na ang nagsasabi sa akin na, ‘Ehra lumalaki ka na talaga!’Pero napapansin ko na rin naman ‘yun. It’s just that, hindi ako gumagawa ng paraan para pumayat or parang balewala lang sa akin na tumaba.
B: So, wala kang ginagawa noon kahit na palaki ka nang palaki?
EM: I was working out naman, pero hindi talaga ako naglu-lose ng weight.
Nagyo-yoga ako, nagba-boxing ako, pero wala pa rin. Pinagagalitan na nga ako ni tita Annabelle (Rama, her manager), bakit daw ang tagal kong pumayat.
And then one day, nu’ng humarap ako sa salamin parang du’n ko lang nakita ang sarili ko na, oo nga, ang taba ko na.
So, I finally told myself na this is it. Gusto kong ibalik ‘yung katawan ko dati.
Nag-start akong mag-diet religiously, as in diet kung diet. So far so good, okay naman.
B: Anong uri ng diet ang ginawa mo?
EM: Cohen diet. It’s a diet according to your blood type. Bale ang unang gastos si-guro mga P50,000.
Actually, the food, mura lang siya dahil nasa grocery lang siya. Measured lang talaga ang bawat kain.
B: So, anong feeling na bumalik na ‘yung katawan mo noon?
EM: EAng sarap! Nasusuot ko na ‘yung mga damit ko nu’ng payat pa ako, kasi may mga dress akong nabili na hindi ko man lang naisuot dahil nga hindi na kasya.
Dati lagi akong naka-blazer kasi kailangang itago mo ‘yung katawan mo
Siyempre, sa trabaho namin, kailangan ko talagang ma-maintain ‘yung body ko.
I have to look sexy kasi ‘yun ‘yung pino-project kong image.
Kaya sana tuluy-tuloy na. Ayoko nang bumalik sa dati kong katawan.
B: Buti hindi naapektuhan ng pagpayat mo ang iyong malulusog na dibdib?
EM: Ha-hahaha! Oo nga, e. Actually, nu’ng medyo botchog ako, parang lumalaki rin sila.
Buti na lang hindi sila nagtatampo! Ha-hahaha! Kasama ko sila sa hirap at sa ginhawa. Ha-hahaha!
B: Bakit ka ba tumaba nang ganu’n?
EM: Siguro dahil na rin sa mga kinakain ko, tsaka tingin ko habang nape-pressure ako na magpapayat, lalong hindi ako pumapayat.
So, tinanggal ko ‘yung pressure, mas effective ‘yung sa sarili mo talaga manggagaling ‘yung desisyon na kailangan ka nang pumayat, hindi sa ibang tao.
Du’n na nagsimulang mabawasan ‘yung taba-taba ko.
B: Paano mo mine-maintain ang timbang mo ngayon?
EM: Actually kulang pa ‘yan, kaunti pa siguro.
Ngayon hindi na ako kumakain ng sweets, wala nang gimik, wala nang inom, lahat ng sa tingin ko na naging dahilan kung bakit ako tumaba, wala na ‘yun, kina-limutan ko na.
Kaya talagang kapit ng malupit sa diet and exercise, tsaka disiplina.
B: May beauty secrets ka rin ba?
EM: Wala masyado, pag uwi ng bahay remove ng make-up, tapos moisturizer before matulog.
Importante sa aming mga artista ang moisturizer kasi lagi kaming natututukan ng mga ilaw, tapos kapag may taping sa labas, init ng araw ang kalaban mo.
B: Mahilig ka bang magpa-spa or magpamasahe?
EM: Masahe? Sa bahay lang, pero ayoko nu’ng may mga nilalagay-lagay sa mukha o sa katawan, masaya na ako sa lotion.
Actually, hindi ako nakakaalis ng bahay ng walang lotion. Spa, hindi rin masyado.
B: Hindi ka pa nagsasawa sa pagkadalaga?
EM: Parang hindi pa rin naman ako ready, siguro mga 30 or 30 plus pa.
Kasi before nu’ng high school ako gusto ko mga 25 pwede na akong mag-settle down, pero sa panahon ngayon, parang mahirap pa, e. Siguro mga after three years.
B: Hindi pa ba kayo nagkakasawaan ng boyfriend mo (DJ Mike Solomon), almost nine years na kayong magkarelasyon, di ba?
EM: Sobrang okay talaga kami ngayon ni Mike, e. Hindi na ako tumitingin sa iba.
Tsaka wala nang umaaligid, kasi siguro alam nila happy na ako sa lovelife ko.
B: Takot ka rin bang mag-asawa?
EM: May takot din siyempre, pero ayaw pa talaga naming magseryoso pagdating sa pagkakaroon ng sariling pamilya, napag-uusapan namin ang kasal pero ngayon, ine-enjoy pa rin namin ang company ng isa’t isa na walang masyadong iniintindi.
Kasi, kasal after that, lifetime na ‘yun. Sabi nga niya, willing naman daw siyang maghintay, e.
B: Okay lang ba sa ‘yo ang makipag-live in kay DJ Mike?
EM: Pwede na rin naman siguro, kasi doon mo makikita kung compatible talaga kayo, du’n mo makikilala ‘yung tao.
Kasi di ba, maraming nagpapakasal ngayon, saka pa lang nila makikilala ang tunay na ugali ng asawa nila kapag nagsama na sila,
‘Ay may ganyan palang ugali ‘yan!’ na hindi mo ma-take. Kaya sa akin, okay lang kapag niyaya niya ako.
B: Kapag wala kang ginagawa, walang taping or shooting anong pinagkakaabalahan mo?
EM: Sa bahay lang, DVD, I really find time naman to unwind, lalo na ngayon almost everyday na ang taping namin for Daddy Dearest kasi magsisimula na kaming umere sa Monday (June 11), tapos may mga regional shows pa kami.
So pag walang work I bond with my friends, or watching movies sa bahay, nagbabasa ako ng libro, ganu’n lang.
B: Paano kayo nagba-bond ng boyfriend mo?
EM: ‘Yun din, DVD sa bahay, hindi rin kasi kami magimik, hindi namin trip ‘yung lumalabas-labas, sa bar. Sa bahay lang, kasi he’s working also.
Pag Sunday ‘yun ang time namin together.
We have to find time para sa amin, siguro ‘yun din ‘yung reason kung bakit tumagal kami ng nine years.
We make sure na meron kaming time para sa isa’t isa.
B: May pagkakataon ba na nagsabi siya sa ‘yo na gusto na niyang magpakasal?
EM: Wala pa naman talagang proposal kahit na biruan lang, siguro dahil natatakot din siya sa isasagot ko! Ha-hahaha!
Baka ma-shock siya.
Tsaka sabi nga niya, nga-yong payat na ako, umariba ako sa trabaho, kasi nga naman ang dami nang mga bagong dumarating, so tama nga naman na dapat samantalahin ko na rin.
Kung minsan naman tinatanong ko siya, gusto ba talaga natin ‘to, o baka naaaliw lang tayo, o baka nape-pressure lang tayo dahil palagi ngang ‘yan ang tanong sa amin.
Sabi ko, darating din naman tayo diyan, at hindi rin kami nagmamadali
B: E, paano kung mauna pa ang anak kesa sa kasal?
EM: Ha-hahaha! May ganu’n talaga? Anak agad?
Hindi naman siguro, huwag muna. Ngayon lang ako pumayat uli, e.
Tsaka talagang wala sa priority ko ‘yun.
Naku, mahirap maging mommy sa panahon ngayon, kailangan handa ka talaga sa lahat ng aspects ng buhay.
Pero kung darating…naku, huwag na lang muna!