OGIE ‘napapabayaan’ na sina REGINE at BABY NATE

Hindi pa naman daw naiinis o nagtatampo si Regine Velasquez sa mister niyang si Ogie Alcasid.

E, kasi nga, di ba, sobrang busy ngayon si Ogie? As in literal talaga siyang matatawag na lalaking walang pahinga dahil sa kaliwa’t kanan niyang projects.

Showing na ngayon ang pelikula nilang “Boy Pick-Up”, tinatapos pa niya ang musical movie nilang “I do Bidoobidoo” at magsisimula na rin sa Lunes ang bago niyang primetime series sa GMA na Daddy Dearest with Jolina Magdangal.

Bukod pa diyan ang Bubble Gang, Party Pilipinas at ang Sunday musical talkshow nila ni Michael V na Pare & Pare.

So, kung ikaw si Regine, ano ang mapi-feel mo? Ha-hahaha! Intrigahin ba talaga ang mag-asawa?

Say naman ni Ogie, nangako na siya kay misis na magbabakasyon sila kapag naging maluwag ang kanyang schedule. Tsaka he makes sure naman daw na kahit paano ay may time pa rin siya sa kanyang pamilya.

“Hindi naman totally walang time, siyempre, priority pa rin ang family.

Naiintindihan naman ni Regine ang kalagayan ko, kaya hindi na rin siguro siya nagrereklamo.

Nag-promise naman ako sa kanya na babawi ako, lalo na kay Baby Nate!” chika ni Ogie.

Anyway, ngayong gabi sa Pare & Pare, sandamakmak na katatawanan, kuwentuhan at kantahan na naman ang inyong mapapanood!

Alamin kung ano ang nakakatuwa sa mga Uso Ngayong Linggo:

Ano ang tunay na nangyari sa huling araw ng primetime teleserye na My Beloved?

Saan pa ba nakita ang heavenly phenomenon na transit of Venus?

Kilalanin ang mga bibong bata na hindi nakasama sa finals ng Eat Bulaga Pinoy Henyo.

Abangan din ang behind-the-scenes video na nakuha nang matapos ang laban nina Bradley at Pacman.

Makihula at makigulo sa Masa Poll na pinamagatang “Who’s Da Boy? Who’s Da Girl?” kung saan pahuhulaan kung boy o girl ang mga nakilala ng Pare & Pare sa  kalye.

Makakasama rin ng real-life magkumpare si Pauleen Luna para pag-usapan ang kanyang fear of heights, ang mga nangyaring aksidente sa buhay  niya at kung mas type nga ba niya ang  komedyante – bilang katrabaho?

Pagdating sa kantahan, ang hottest all-female rock group na General Luna ang magpapakitang gilas sa kanilang rare televised performance.

Mag-enjoy at makisama sa kasiyahan sa inyong paboritong Sunday night tambayan, Pare & Pare kasama sina Bitoy at Ogie sa GMA Sunday Grande after Pinoy Adventures.

Read more...