Kris, Bimby naaksidente, isinugod sa ospital

HINDI nakapag-show Martes ng gabi sa Aquino-Abunda Tonight ang TV host-actress na si Kris Aquino matapos siyang maaksidente kasama ang anak na si  James “Bimby” Aquino-Yap sa Edsa.

Isinugod ang mag-ina sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City matapos ma-involve sa minor car acicident makalagpas sa southbound ng Edsa makalagpas lamang ng Guadalupe.

Ayon kay Aquino binundol ang kanilang sinasakyang Cadillac Escalade mula sa likuran ng kanilang backup na   sasakyan na Toyota Innova matapos nag-swerve ang isang armored vehicle na nasa kanilang unahan, dahilan para ang sasakyan niya at Isuzu na nasa harapan nila ay dali-daling huminto.

sa kanyang text sa columnista ng Bandera, sinabi nito ni Kris na naka-seatbelt umano silang mag-ina pero dahil sa lakas ng impact na dulot ng pagbundol sa kanila ay nahilo sila kung kayat dinala agad sila sa ospital.

Dahil din sa aksidente, tumaas ang blood pressure niya at maging ng batang si Bimby.

“When we arrived my BP was 170/100 & Bimb’s was 130/90,” ayon naman kay Kris sa kanyang  Instagram account.

Matapos mabigyan ng lunas ay pinauwi rin sila.

 

Read more...