Mommy Dionisia: Lord please wag mo kong ibalik sa kahirapan

mommy dionisia

mommy dionisia

Napaiyak si Mommy Dionisia habang pinanonood ang pelikulang “Kid Kulafu” na tungkol nga sa naging buhay ng kanyang anak na si Pambansang Kamao Manny Pacquiao noong bata pa ito.
Pinagbibidahan ito ng magaling na bagets actor na si Buboy Villar sa direksiyon ni Paul Soriano. Si Alessandra de Rossi naman ang gumaganap sa karakter ni Mommy Dionisia.
“Maalaala ko na lang ang nakaraan bigla lang tumulo ang luha ko. Pagtulo ng luha ko, sabi ko, ‘Lord, marunong naman akong lumingon sa pinanggalingan ko kaya lang, please lang, huwag mo na akong ibalik sa nakaraang sobrang hirap hindi ako makakain,” ayon sa nanay ni Pacman sa isang interview.
Tumatak naman daw kay Mommy Dionisia ang eksena kung saan pinipilit niya si Pacman na magpari, pero todo tanggi raw talaga ang People’s Champ dahil boksing daw talaga ang gusto nitong gawin.
“Sabi niya, ‘Paano ang panggastos mo? Hindi four-year course ang pagpapari, pabayaan mo na lang akong mag-boxing,'” ang pag-alala pa ni Mommy D noong bata pa ang anak.

Read more...