Benepisyo ng disable

GUSTO ko lang po sanang magtanong tungkol sa benepisyo ng tatay ko sa Employees Compensation Commission.

Siya po ay SSS pensioner na ngayon dahil sa kanyang disability. May matatanggap pa rin po ba ang tatay ko sa ECC? Nabasa ko po kasi sa Labor Code na kabilang po ang kaso ng tatay ko na pwedeng makatanggap ng benepisyo (loss of income benefits).

Mabigyan n’yo po sana ako ng sapat na kaalaman.
Maraming
salamat po.
Alvin de Lara

REPLY: Sa puntong pamamaraan ng pagtanggap ng benepisyo mula sa ECC.
1. Magsadya sa SSS branch kung saan nagmula ang benepisyo ng inyong ama sa SSS;
2. Ang application forms at listahan ng mga kinakailangang dokumento ay maaaring makuha sa naturang branch;
3. Kung pagbibigyan po ang inyong kahilingan, ang SSS na lamang po ang magbibigay ng karampatang benepisyo;
4. Kung tatanggihan, maaari po kayong humiling ng rekonsiderasyon sa SSS Main Office;
5. Kung muling tanggihan ng SSS Main Office, maaari po kayong humiling ng apela sa ECC.

Para po sa iba pang katanungan, maaari po kayong mag-email sa info@ecc.gov.ph
Salamat po
Atty. Jonathan
VillaSotto
Deputy director
Employees Compensation Commission
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
q q q
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...