SARAH buking ang pagtataksil ni GERALD

Speaking of Sarah Geronimo, mukhang may bahid nga ng katotohanan ang chika na tinabangan daw bigla ang Pop Princess kay Gerald Anderson nang makarating sa kanyang kaalaman na may iba pang babaeng idine-date ang binata.

May nagsabi raw kay Sarah tungkol sa balitang kapag nasa out of town trip daw si Gerald ay may kinakalantari pa raw itong ibang babae, kaya naman ang Sarah, react to death.

Ito raw ang isa sa mga rason kung bakit biglang nagkalabuan ang rumored couple.

Wala pang nagsasalita kina Sarah at Gerald tungkol dito, pero kung kami ang tatanungin, mukhang may pagka-playboy nga itong si Gerald kaya hindi imposibleng may iba pa siyang nililigawan bukod kay Sarah.

Ano Gerald, totoo ba o totoo? Ha-hahaha! Wala talagang choice?!

Read more...