ABS-CBN humakot ng 154 awards mula sa 11 student award-giving bodies

charo santos

ABS-CBN ang nangungunang TV station sa bansa para sa mga Pilipinong estudyante matapos itong humakot ng siyam na Best TV Station awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies sa bansa.

Pinarangalan itong Best TV Station sa Aral Parangal Awards ng Young Educators’ Council of SOCSKSARGEN (YECS); 1st Gawad Kamalayan Awards ng Mapua Institute of Technology; 1st Students’ Choice Mass Media Awards ng Eastern Visayas State University’s (EVSU); 13th Gawad TANGLAW (Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw) na binubuo ng mga eskwelahan tulad ng Jose Rizal University, Philippine Women’ University, University of Perpetual Help System, at Colegio De San Juan de Letran; 2nd Paragala Central Luzon Media Awards ng Holy Angel University; at Andurog Awards for Highest Distinction mula sa Bicol University.

ABS-CBN din ang piniling top choice para sa 6th NwSSU Students’ Choice Awards For Radio and Television ng Northwest Samar State University; UmalohokJUAN Awards ng Lyceum of the Philippines University-Manila; at 9th Gandingan: UPLB Isko’t Iska’s Broadcast Choice Awards ng University of the Philippines-Los Banos.

Sa unang quarter pa lang ng 2015, nakakuha ang Kapamilya network ng 154 awards mula sa 11 student award-giving bodies sa bansa. Namayagpag ang TV Patrol na nagwagi ng limang Best News Program awards, pati na ang Matanglawin na nag-uwi ng pitong Best Educational Program awards.

Pasok din ang It’s Showtime na nakatanggap ng anim na Best Noontime Show awards, ang Maalaala Mo Kaya (hosted by Charo Santos) na may anim na Best Drama Anthology awards, at ang ASAP na may apat na Best Musical Variety Show trophies.

Maging ang AM radio station ng ABS-CBN na DZMM ay kinilalang Best AM Station sa Gandingan, UmalohokJUAN, at TANGLAW.Kinilala rin ng mga mag-aaral at kaguruan ang husay ng mga lokal na programa at personalidad sa TV at radio ng ABS-CBN Regional.

Sa kabuuan, nakatanggap ang ABS-CBN Regional ng apat na parangal sa Gandingan; pito sa Kabantugan, anim sa Bilib Awards ng St. La Salle Bacolod; at isa sa Gawad Turismo Award ng Colegio San Agustin-Bacolod.

Ang student award-giving bodies ay naglalayong bigyang-pugay ang mga TV program, pelikula at media personality na nagsusulong ng mission at values ng kani-kanilang paaralan. Ang mga nagwagi ay binoto ng mga mag-aaral, faculty member, at staff ng mga nasabing unibersidad.

Read more...