Marian 2 buwan nang buntis; Dingdong excited nang maging daddy

DALAWANG buwan nang buntis ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera.

Ito ang sabay na kinumpirma ni Marian at ng mister na si Dingdong Dantes sa GMA Lunes ng gabi.

Ginawa ng mag-asawa ang announcement matapos kumalat sa social media ang tungkol sa pagdadalang-tao ng Kapuso actress.

Si Jessica Soho ang nag-interview kina Marian at Dingdong at dito nga nila ibinandera sa buong mundo na magkakaroon na sila ng baby.

Halos tatlong buwan na rin ang nakararaan matapos ikasal ang dalawa noong December 30, 2014.

Ngunit nabatid na medyo maselan ang kundisyon ngayon ni Marian kaya doble ang ginagawang pag-iingat ng aktres.

At sa kabila nga ng kalagayan ng misis ni Dingdong, tuloy pa rin daw ang pagtatrabaho nito. Kailangang tapusin ni Marian ang bagong primetime series niya sa GMA na The Rich Man’s Daughter.

Siyempre, super excited na rin si Dingdong dahil magiging daddy na siya.

Busy ang Kapuso actor sa kanyang GMA Telebabad series na Pari ‘Koy. Pero dahil nga sa pagbubuntis ni Marian, siguradong mahahati na ang panahon ngayon ng Primetime King sa trabaho at sa pag-aalaga sa kanyang asawa.

Read more...