Kris pinagbawalang banggitin ang pangalan ni Claudine Barretto

claudine barretto

Gagawa ng pelikula si Claudine Barretto sa Star Cinema kasama si Kris Aquino, ito ay ang “Etiquette For Mistresses” na ididirek ni Chito Roño.

Base rin ito sa sagot sa amin ng isang taga-ABS-CBN na, “Inaayos na ang sked (schedule) nila.” Sa ginanap na Platinum Stallion Media Awards sa Trinity University of Asia noong Sabado ng gabi ay kasama ang mag-inang Kris Aquino at Bimby Aquino Yap sa binigyan ng parangal at sa bahagi ng pasasalamat ng Queen of All Media ay naikuwento niya na abangan daw ang pelikulang gagawin niya sa Star Cinema.

Ayon kay Kris, makakasama niya ang aktres na ayaw pa niyang banggitin kung sino, pero ang ibinigay niyang clue ay nakasama raw niya sa pelikulang “Sukob.”

“Hindi ko pa puwedeng banggitin kung sino ang mga co-star. Hint na lang po, yung isa doon, nakasama ko sa pelikulang ‘Sukob’. Sana abangan niyo po,” say ni Kris.

Nagkasama sina Kris at Claudine sa “Sukob” taong 2006 kasama si Maja Salvador na idinirek din ni Chito Roño.

Read more...