Willie handa na: paiingayin ang Kalayaan Avenue sa May 10

willie revillame

Handang-handa na ang buong production team ni Willie Revillame sa nalalapit na pagsisimula ng kanyang programang Wowowin sa GMA 7. Minamarkahan na ngayon pa lang ng ating mga kababayan ang petsang May 10.

Umaga pa lang ay nakabantay na si Willie sa ipinagagawa niyang studio sa Kalayaan Avenue, 400 people ang capacity ng magarbong magiging tahanan na ng Wowowin, hindi siya pumapayag na hindi makita ang paggawa ng studio na bukod sa malaki na ay napakaganda pa ng disenyo.

Siguradong buhay na buhay ang Kalayaan Avenue sa pagsisimula ng Wowowin, ang dating tahimik na lugar ay biglang iingay, dahil daan-daang tagahanga ng aktor-TV host ang dadayo du’n tuwing Linggo nang hapon.

“Lahat ng ikabubuti ng audience ang sinusunod namin. Kailangang habang nanonood sila ng show, e, kumportable sila. Paano sila makapagsasaya kung naiinitan sila sa lugar at hindi sila comfortable?” komento ng aktor-TV host na napakalakas pa rin ng karisma sa publiko.

Markahan na natin ang petsang May 10, ipanganganak na ang programang muling magbibigay ng kaligayahan sa ating mga kababayan, Wowowin!

Read more...