HINDI inalintana ng mga mahihilig na mag-ehersisyo ang mainit na panahon para dagsain pa rin ang Laro’t Saya na programa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa magkahiwalay na lugar nitong Sabado at Linggo.
Tila nanabik ang mga residente ng Quezon City dahil nagbalik noong Sabado matapos ang tatlong linggong pahinga sa Quezon Memorial Circle at pumalo sa 491 katao ang sumali sa anim na sports na isinasagawa rito.
Kahapon ay nasa senior citizen park sa Luneta ang programang naglalayon na makaengganyo ng mga mamamayan na pumasok sa sports at umabot sa 752 ang bilang ng nagsisali.
Tiniyak naman ng PSC na may nakaantabay na medical personnel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.