WALA pang balak magpakasal si Empress Schuck at ang tatay ng kanyang magiging baby na si Vino Guingona – ang focus lang daw nila ngayon ay ang batang dinadala niya.
Para sa mga nagtatanong, si Vino ay apo ni former Vice President Teofisto Guingona Jr. at pamangkin ni Sen. Teofisto Guingona III. Mismong si Empress ang nag-post ng mga litrato nila ni Vino sa social media matapos nga siyang umaming buntis sa Startalk noong Sabado.
Sinabi ng Kapuso actress na mahigit isang taon na silang magkarelasyon ni Vino na isa ring kilalang model mula sa Zambonga. Sey pa ni Empress, hindi pa nila napag-uusapan ang pagpapakasal, gusto raw kasi nilang ituon ang lahat ng kanilang atensiyon sa baby.
“Kasi ang pagpapakasal, that’s another responsibility. At ang pagpapakasal, isang bagay na pinaplano talaga. Kailangan pinag-uusapan at pinaghahandaan.
Sa ngayon, ang focus lang namin is yung baby muna, kung paano palakihin nang buo kami, na malusog siya,” anang aktres.
Samantala, tinulungan naman daw siya ni Vino at ng manager na si Becky Aguila sa pagsasabi sa magulang na buntis siya,
“Pumunta kami sa bahay namin, nandun sila Mama, ‘andun din si Papa. So, ayun, sinabi namin. At siyempre, si Mama…yun naman talaga, sure ako ang mga nanay talaga, may mga violent reactions talaga sa una.
“Siyempre hindi naman talaga maiwasan yun, talagang hinanda ko na yung sarili ko, e. Siyempre nagalit siya, na-disappoint siya. Pero pagkatapos naman nun, naging okay na siya.
Kasi feeling ko naman, inilabas lang naman niya, e (ang sama ng loob). Pero ang totoo, nandiyan siya para sa akin, okay lang sa kanya,” salaysay ng aktres sa panayam ng Startalk.
Nagpasalamat din si Empress kay Vino sa pagprotekta sa kanya, “Hindi niya talaga ako iniwan. Minsan, gusto kong mapag-isa, sabi niya talaga, ‘Hindi.’ Kailangan kasama siya, yung family niya, yung ate ko, yung mga kapatid ko.
Minsan nandu’n ako sa parents ko, mama ko, si Papa, ‘andun yung mga kapatid ko.” Dagdag pa ng aktres, “Kaya kahit na masasabi ko talaga kahit na may mga ganitong hindi magandang pangyayari, kasi maraming nagmamahal pala sa ‘yo.
Maraming nagmamahal pala sa akin. Hindi mo nakikita minsan, hindi mo nararamdaman yung mga pagkakataong ganito, dun sila nagsulputan. “Ngayon, ramdam na ramdam ko kung sino talaga yung mga sumusuporta sa akin.
Kaya gusto kong mag-thank you kay God kasi Siya ang gumawa ng lahat ng ito. At kahit nangyari ito, masasabi kong hindi Niya talaga ako pinabayaan,” sey pa ng Kapuso actress.
Speaking of her manager, naglabas din ng open letter si Becky Aguila tungkol sa pagbunbuntis ng kanyang alaga, kahit daw siya ay na-shock nang malaman ang kalagayan ni Empress, “Kaya nung una kong nalaman at nasabi mo sa akin na buntis ka, hindi ako makapaniwala. Parang isang panaginip,” anito.
“You have to understand EM (palayaw ni Empress), you are not just an artist to me, lahat kayo nina Jen [Jennylyn Mercado], you are all my daughters. Empress, baby kita. My baby is having a baby.
“That was why yung unang reaction ko is galit, not because galit ako sa nangyari sa iyo, pero nagagalit ako sa sarili ko.Nagagalit ako dahil natatakot ako sa mga mangyayari, sa mga mawawala sa iyo,” ayon pa sa statement ni Becky Aguila.
Pero sey ng manager, saludo siya sa katapangan ng alaga, “That is why I am so proud of you, Empress. Taking responsibility for your actions is no easy matter. Madaling sabihin, mahirap gawin. Napakatapang mo na babae.
“Mahirap harapin ang mga tao at sabihin ang kalagayan mo. That takes guts! But owning up to the responsibility of being a soon-to-be mom takes unlimited courage,” chika pa ng talent manager.
Sinagot din nito ang pamba-bash ng ilang netizens kay Empress at sa dalawa pa niyang talents na nabuntis nang maaga – sina Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion.
Sabi nito, talaga lang daw mapagmahal at madaling magtiwala ang kanyang mga talents.Nangako rin ito na patuloy na poprotektahan sina Empress, Valerie at Jennylyn at nagbanta pa sa mga magpapaiyak sa tatlo, “humanda sila. Kasi ako ang unang makakalaban nila. I will always protect you.”