Luis sa balikang Jennylyn-Dennis: buhay nila ‘yan, ayokong makialam!

luis manzano

TUMANGGI na magbigay ng reaksyon ang host ng Kapamilya Deal or No Deal na si Luis Manzano sa nababalitang balikan ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado sa dati rin nitong boyfriend na si Dennis Trillo.

“Buhay nila ‘yun, ayokong pag-usapan. Kahit na anong isagot ko sa mga ganyan, lalagyan ng kulay, ‘di ba? So, okey na ‘yun, tahimik na lang,” pahayag ni Luis noong makausap namin during dinner break sa taping ng KDOND.

Ayaw din niyang mag-elaborate pa sa tulong na ibinigay niya sa komedyanteng si Atak worth P155,000 para sa pagpapagamot ng ina nito, “Okey na ‘yun,” sambit ni Luis.

Bago matapos ang KDOND ay magkakaroon pa ng special episode ang nabanggit na game show para sa birthday celebration ni Luis on April 21. Bukod doon, wala namang plano si Luis na magkaroon ng party for his birthday, “Wala, hindi naman kasi ako ma-celebrate na ano, e. kilala ninyo naman ako.”

Last year matatandaan na binigyan ng surprise birthday celebration si Luis ng girlfriend niyang si Angel Locsin kung saan kumanta ang favorite group nila, ang Side A. Sad to say, umalis na ang lead vocalist ng grupo na si Joey Gerenoso.

Natawa naman si Luis sa tanong kung kakanta pa rin ba ang Side A sa birthday niya, “Wala na nga sila, e. Parang malas ata ‘yung mga kumakanta sa birthday ko, e. Ha-hahaha! Nag-disband na ang Side A.”

Pero malamang ba na si Angel muli ang magbibigay ng surprise party sa kanya? “Ay, hindi ko alam. Siya dapat ang tanungin ninyo. E, magkasunod kami halos ‘di ba?”

Two days after ng birthday ni Luis ay kaarawan naman ni Angel. Secret daw muna sabi ni Luis when we asked kung may surprise ba siya for Angel sa birthday nito.

Biniro namin si Luis na hindi kaya mag-propose na siya kay Angel sa darating na birthday nito. Birthday din kasi ni Toni Gonzaga noong mag-propose sa kanya ang boyrfriend niya na si Direk Paul Soriano.

“Ang araw na ‘yun ay para sa pagkapanganak niya and not for anything else,” diin ni Luis.Samantala, excited si Luis sa movie na gagawin ng kanyang mommy na si Batangas Gov. Vilma Santos at ni Angel.

“Oo naman. Sabi ko if you bring artists and director of that caliber, na kahit ang mga creative managers sina Inang (Olive Lamasan), sina Tita Malou (Santos), hindi bilang Luis Manzano na boyfriend or anak kundi as a moviegoer talagang papanoorin mo ‘yan. Malupit ‘yan.”

Una nang tinanggihan ni Luis na makasama sa proyektong ito ang kanyang mommy at girlfriend. Ilang ulit na rin siyang nagpaliwanag kung bakit. At kinumpirma niya sa amin na kahit special participation daw sa movie ay wala siyang gagawin, “Wala, okey na ‘yun. Sa kanila na (lang) ‘yun,” ngiti niya.

Ayaw talaga ni Luis na magsama sila ni Angel sa movie, “Oo, hindi kasi nga masyadong personal sa akin. Kumbaga, parang showbiz na showbiz naman ako noon.”

Tinanong din namin si Luis kung approved sa kanya na si Xian Lim ang ipinalit sa kanya sa movie ng mommy at GF niya, “Oo naman,” diin niya. “Dyosko naman. I mean, lahat naman tayo we’re just looking for that one big break pagdating sa akin.

Ako ‘di ba sinasabi nila, hindi naman ako kagalingang umarte pero nag-‘In My Life’ ako.  “Kahit paano nakaani ako ng papuri. So, ayun lang ano doon. Kasi nasanay tayo kay Xian na romcom, e.

So, kumbaga, it’s about time na iba naman ang role na gawin niya and I’m sure magagawa naman niya,” aniya pa.

Read more...