Palasyo tiniyak ang aksyon ng DOH vs pagtaas ng kaso ng HIV
SINIGURO ng Palasyo na gumagawa ng hakbang ang Department of Health (DOH) para mapigil ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng human immunodeficiency virus matapos ang ulat na 20 bagong kaso ng HIV ang naitatala kada araw.
Sinabi Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma na prayoridad pa rin ng DOH ang problema kaugnay ng HIV at ng AIDS.
“Mayroon po silang unit na dedicated sa pagtutok sa mga kasong ito at nagsasagawa ng… unang-una, heightened awareness and educational campaign para ituro sa mga mamamayan ‘yung kahalagahan ng pag-iingat laban sa pagkakaroon ng sakit na ito,” sabi ni Coloma.
Kasabay nito, hinimok din ni Coloma ang mga nahawaan ng HIV at AIDS na magpagamot para maagapan ang kanilang sakit.
Base sa pinakahuling datos ng DOH, umabot sa 646 na kaso ng HIV ang naitala noong nakaraang buwan. Ito na ang pinakamaatas na naitala mula noong 1984.
Mas mataas din ito ng 50 porsiyento kumpara noong 2012 kung saan 20 katao kada araw ang naiuulat na may HIV.
Nanguna naman ang Metro Manila sa may pinakamataas na naitalang kaso sa lahat ng rehiyon ng bansa kung saan umabot sa 41 porsiyento o 262 kaso ng HIV. (Nina Faye Seva)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.