Nagsagawa ng test buy ang EcoWaste kamakalawa at muling nakabili ng mga hindi otorisadong silver cleaner sa Quiapo, Maynila sa halagang P45-P60 kada bote.
Dahil ginagamit sa pagpapakamatay, maraming retailer ang hindi na nagbebenta ng silver cleaner na walang pahintulot mula sa Food and Drugs Administration.
“But we managed to procure samples of China-imported 60 ml ‘Hallo Gold & Silver Cleaner’ at one popular accessories, beads and gifts store in Villalobos St., Quiapo,” ani Thony Dizon, coordinator ng EcoWaste.
Nagpalabas ng Joint Advisory ang Department of Health at Department of Environment and Natural Resources noong 2010 upang ipagbawal ang pagbebenta ng silver cleaner na may cyanide.
“Besides harming people, the disposal of cyanide-laced wastewater into the sink can pollute and damage the marine environment,” dagdag pa ni Dizon.”The said product had no information about its manufacturer, chemical composition and market registration with the FDA if any.”
Cyanide poisoning ang isa sa tinitignang dahilan ng pagkamatay ng dalawa katao matapos uminom ng milk tea.
MOST READ
LATEST STORIES