Sa unang pagkakataon, ngayong tanghali sa Paparazzi Showbiz Exposed, ay maglalabas na ng kanyang tunay na saloobin si Iwa Moto tungkol sa pahayag ni Jodi Santamaria na siya ang naging dahilan ng pagkawasak ng relasyon nito at ni Pampi Lacson.
Ayon sa sexy actress ay napakatagal niyang nanahimik, gustong-gusto na niyang magsalita, pero marami siyang isinaalang-alang noon.
Pero ngayong siya na ang iniipit at pinagbibintangan ni Jodi, ayon kay Iwa ay isang malaking katangahan na kung hindi pa rin siya magsasalita, ang dahilan kung bakit live namin siyang maiinterbyu ngayong alas onse y medya sa Paparazzi.Hindi itinatago ni Iwa na nagkakapalagayang-loob sila ngayon ni Pampi Lacson, pero hindi niya matatanggap ang bintang ng pagiging homewrecker, may malalim palang kuwento tungkol sa kanilang nakaraang buhay ni Jodi na ngayon pa lang mabubunyag.
“For the longest time, hindi ako nagsalita.
I just kept quiet. Pero minsan pala, e, hindi tama ang basta pananahimik lang.
Hindi siya ang puwedeng magsabing homewrecker ako, siya ang dapat kong tawaging maninira ng relasyon, dahil sa ginawa niya sa akin nu’n!” madiing pahayag ng palabang sexy actress.
Dahil si Jodi ang nagsimula ay si Iwa ang tatapos sa kuwento.
Maraming pangalang mababanggit, may mga pangyayaring mabubuklat, pero ayon kay Iwa ay kailangan niyang gawin ‘yun para naman maipagtanggol niya ang kanyang sarili sa ngalan ng katotohanan.
“Tama na ang mga pagkukunwari, magpakatotoo na tayo.
Tama na ang mga kuwentong hindi naman totoo, maglabasan na tayo ng katotohanan nga-yon.
Nananahimik ako, pero binabaligtad mo pa ang istorya, magtuusan na tayo ngayon!” patikim pa ni Iwa Moto tungkol sa isyung kinapapalooban niya ngayon.