Marami kasi ang nagtataka kung bakit hindi magkasama ang dalawa nang manood sila ng premiere night ng “Born To Love You”.
Hindi magkasabay na dumating ang sinasabing magdyowa at parang nag-iiwasan pa yata.
Hindi kaya may lover’s quarrel nga ang dalawa?
Although hindi naman nila inaamin, marami ang naniniwala (at isa na kami doon) na they’re more than friends.
Hindi kaya ang tsismis na nakikipag-date pa rin si Gerald sa ibang babae lalo na kung out of town siya, ang dahilan kung bakit parang nanamlay ang relasyon nila?
Although hindi naman nila aaminin, parang wala nang masyadong init ang dalawa ngayon.Hindi rin kaya ang balik-tambalan nina Gerald at Kim ang dahilan kung bakit parang maasim yata si Sarah sa binatang actor ngayon?
Magsasama na kasi uli sa isang project sina Gerald at Kim at malapit na yata silang magsimulang mag-shooting.
Naku, kung may alitan ang dalawa, hindi kaya maapektuhan ang tambalan nila sa ikalawang pelikula nila together?
Pero may point din ang sinabi ng isa naming nakausap, baka pinagbawalan ng ABS-CBN sina Sarah at Gerald na maging sweet in public dahil balik-tambalan nga sila ni Kim.