In fairness, sinabi naman daw niya kay Dingdong Dantes ang gagawin niyang paghuhubad sa nasabing magazine at umokey naman ang kanyang boyfriend.
“Sinabi ko naman kay Dong na may gagawin akong pictorial, medyo sexy. Ewan ko, tanungin n’yo sa kanya.
Ipinasa ko sa e-mail niya.
Ewan ko kung tiningnan niya!” sabi pa ng Kapuso Primetime Queen.
Anyway, habang binabasa n’yo ang column na ito, malamang nasa Canada na si Marian, hindi pa niya kasama si Dingdong dahil susunod na lang ito sa kanya doon para sa show ng GMA Pinoy TV.
Mga two weeks din daw silang mawawala sa Pinas.Tungkol naman sa susunod na proyekto ni Marian sa GMA, wala pa raw siyang alam, “Ewan ko pa. Basta ang alam ko, after nito, pagpapahingahin naman ako.
Kasi, pagbalik ko, makikipag-usap ang GMA sa next project ko ulit at mga dapat kong gawin.
Basta ngayon, after My Beloved, magre-rest muna ako.
“At least, doon sa Canada, bukod sa trabaho siya, at least, may gala na rin.
Meron pa rin namang Tweets For My Sweet pa naman ako kaya hindi rin nila ako mami-miss,” say pa ng aktres.
Anyway, tatlong araw n’yo na lang mapapanood ang primetime series nina Marian at Dingdong na My Beloved sa GMA Telebabad at siniguro nga ng dalawa na masaya ang magiging ending nito at sobrang nakakaa-inspire, kabilang na nga diyan ang kanilang wedding scene.
Pero abangan n’yo raw ang twist sa pinaka-ending.
Natanong si Marian kung kumusta naman ang naging experience niya sa My Beloved? “Siyempre noong una, after Amaya, ang alam ko, magpapahinga ako. Siyempre, blessing pa rin ito para sa akin.
“Noong una, nahirapan akong mag-adjust.
Sabi ko, paano ko ba iibahin ang sarili ko sa My Beloved? Kaya nagpaputol ako ng hair.
Tapos, parang ang dami nilang inilatag sa aking kuwento.
“Bigla na lang na after seven years, nagkaanak si Sharina na hanggang sa dulo yata, e, masaliumuot ang buhay nito.
Pero sabi ko nga, magiging masaya ang finale week ng My Beloved. Promise!” paniniguro pa ni Marian.
Mapapanood ang huling tatlong gabi ng My Beloved pagkatapos ng Makapiling Kang Muli.