BEA BINENE kabit daw ng mayamang D.O.M.?

Tawa kami nang tawa sa kuwentong nakarating sa amin.

Ang gustong-gusto raw naming young actress na si Bea Binene ay merong karelasyong D.O.M.

Napakabata pa ni Bea para pumasok sa ganu’ng sitwasyon, kundi nga siya nag-artista ay baka naglalaro pa siya ng manyika ngayon.

Pero ang aming pagtawa ay napalitan ng paghalakhak nang malaman namin kung sino ang tinutukoy na D.O.M. daw ng magandang young actress, kilalang-kilala ito, madalas itong napapanood sa mga news programs dahil ito ang abogado ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang sinasabing karelasyon daw ni Bea Binene ay si Attorney Ferdie Topacio, abogado rin ni Yasmien Kurdi, isang malapit na kaibigan na walang hangad kundi ang tumulong sa mga nangangailangan ng kanyang serbisyong legal.

Sino naman kaya ang nagpakalat ng ganu’ng kuwento, sinasaniban na kaya ng inggit sa katawan ang kung sinumang nagpalutang ng balita na may karelasyong D.O.M. ang magaling at magandang batang aktres, ‘yun lang ang nasisilip naming dahilan tungkol sa kuwentong ito.Matagal na kaming iniimbitahan ni Attorney Topacio para magkakilala kami nang personal ni Bea na tinutulungan din nito sa kanyang mga kontrata, pero hindi magtagpu-tagpo ang aming schedule, matagal na kasi naming pinupuri si Bea Binene sa aming panulat at maging sa aming mga programa sa radyo at telebisyon dahil talagang gusto namin ang kanyang pagganap.

Nasubaybayan namin ang kanyang panghapong seryeng Pahiram Ng Isang Ina, du’n namin unang natutukan ang young actress at mula noon ay hinahanap-hanap na namin siya, malayo ang mararating ng batang ito na ipinapareha kay Jake Vargas.

Hanggang ngayon ay natatawa pa rin kami sa kuwento.

Kung minsan nga naman ay nalalagay pa sa alanganin ang taong wala namang hangad kundi ang makatulong lang, tulad ni Attorney Ferdie Topacio, na pati ang pribadong buhay ay nakakaladkad ngayon nang dahil sa kanyang kliyenteng si Bea Binene.

Read more...