Isabelle payag magpasilip ng katawan sa Men’s Magazine, pero may mga kundisyon

isabelle daza

GAME naman daw si Isabelle Daza sa pagpapaseksi, okay din sa kanya ang mag-pose sa mga men’s magazine.

Sa pocket presscon na ibinigay ng Dreamscape Entertainment kay Belle para sa kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Nathaniel, sinabi nitong posible rin siyang mag-pose nang naka-two piece bikini sa isang glossy magazine.

Pero aniya, “Paghahandaan ko muna yan. Yes, I’m open to sexy pictorial pero hindi naman siguro basta-basta ka na lang magpo-pose then that’s it. Kung sa tingin ko ready na ako physically and emotionally, why not.

Pero depende pa rin iyan siyempre sa concept at kung anong magazine.” Sa tropa ni Isabelle (kabilang na sina Anne Curtis, Solenn Heussaff, Georgina Wilson) tila siya ang masasabing pinaka-conservative pagdating sa pagpapaka-daring.

Kilala kasi ang mga kaibigan niyang female celebrities na palaban sa pagbibilad ng katawan.Anyway, handang-handa na rin si Isabelle sa matatanggap niyang mga komento, positibo man o negatibo, sa unang pagsabak niya sa isang napakalaking teleserye ng ABS-CBN, ang Nathaniel.

Ito rin ang unang pagtatambal nila ni Gerald Anderson, kung saan makaka-love triangle nila si Shaina Magdayao na gaganap na asawa ng Kapamilya hunk actor.

Inamin din ni Belle na napakalaki ng naitulong sa kanya ni Gerald pagdating sa akting, bukod sa kanilang direktor, ginabayan at inalalayan din siya ni Gerald sa mga mabibigat nilang eksena.

“Nag-workshop kami ni Gerald kasi hindi kami magkakilala noon. I had to do a workshop with him for three days, five hours tuloy-tuloy,” chika ni Belle.

At sa mga mamba-bash sa kanyang acting sa serye, ani Isabelle, “I think you have to take it with a grain of salt. If kulang sa acting, then maybe it’s true. You just have to adjust.

Pero what I learned dito sa showbiz, you can’t have all the love without some hate. You just have to learn to live with it.”
Naikuwento rin ng bagong Kapamilya actress na excited na rin para sa kanya ang inang si Gloria Diaz na kasali naman sa magtatapos na Dream Dad.

Ang serye nila ang papalit sa timeslot nito. “Excited siya pero siyempre kami ‘yung papalit sa Dream Dad so meron din siyang, ‘Do well!’ She’s excited,” ani Belle.

Hirit pa niya, “Basta ang lagi lang niyang sinasabi sa akin, ‘You’re only as good as your last show.’ Kahit gaano ka kapagod, for example at 4 a.m. or 5 a.m., isipin mo yung crew at mga tao who are there to make your life comfortable so don’t complain and do your best.’”

Read more...