James Reid pinaglaway ang mga beki sa Bicol

james reid

Meanwhile, naramdaman naman ni James Reid ang init ng pagtanggap sa kanya ng mga Bicolano (though he has been there several times) sa Albay, nang siya ang mapiling maging special guest artist sa opening event ng Daragang Magayon Festival na tatagal hanggang Mayo.

Kahit may beauty queens, iba pang celebrities at mga kaibigang local leaders like Vice Mayor Isko Moreno na nagpunta rin doon ay talaga namang iba ang karisma at hatak sa crowd ni James.

“Mas magaling na siyang mag-perform ngayon. Hindi na rin siya tipid magsalita at mas nakaka-relate na siya sa masa. Beware other young actors, maganda ang boses,nakaka-L sumayaw at guwapong guwapo si James, kaya…,” ang pabitin pang tsika ng mga giliw na giliw sa young actor, who went there minus his ka-love team na si Nadine Lustre.

Read more...