2 bumula ang bibig, nalason sa ininom na milktea

DALAWA ang nasawi matapos uminom ng milk tea mula sa isang tea house sa Sampaloc, Maynila Biyernes.

Ayon sa ulat, nagreklamo ang isa sa mga biktima na si Suzaine Dagohoy at ang boyfriend nito na si Arnold Aydalla na parang kakaiba ang lasa nang inorder nilang Hokkaido-flavored milk tea.

Para masabi na walang problema sa tinda nilang milk tea, ininom ng owner ng tea house na si  Wiliam Abrigo ang inirereklamong inumin.

Makalipas ang ilang sandali, bigla na lamang bumulagta ang magkasintahan at maya-maya naman ay saka bumulagta rin ang may-ari ng tea house.  Habang isinusugod umano sa ospital ang mga biktima, nakita na bumubula rin ang bibig ng mga biktima.

Dead on arrival si Dagohoy at  si Abrigo habang patuloy namang nilalapatan ng lunas si Aydalla.  Nasa kritikal na kondisyon ang biktima habang isinusulat ang balitang ito.

Read more...