DEAR manang,
Ako po si Enting. Gusto ko lang ho humingi ng payo kung ano ang maitutulong ko sa mga tito ko. Lima ho silang magkakapatid. Apat po sa kanila ay walang asawa. Ano po ang gagawin ko para makapag-asawa sila?
Enting
Hi Enting!
Nakakatuwa naman ang tanong mo at concern para sa mga tiyuhin mong walang asawa.
I will make a few suggestions—una, ang pag-aasawa siyempre ay desisyon—desisyon ito ng may katawan.
Alamin mo muna kung nasa isipan ba nila ang pag-aasawa in the first place. Tanungin mo sila kung bakit hindi pa sila nag-aasawa.
Maybe hindi pa sila ready emotionally or financially, so it’s best to know for sure kung bakit at para maintindihan mo rin sila.
Second, sure ba tayo sa sexual preference nila? Babae ba ang gusto nila or iba ang itinitibok ng damdamin nila? Walang masama sa pag-alam nito, at least we know, ‘di ba? So we don’t have to force the issue.
Third, kung sure ka na ang pag-aasawa ay part ng goal nila sa buhay at totoong “macho” ang mga tiyuhin, start to build them up with their positive traits, like kasipagan, kakisigan, kabaitan, etc. Boost their self-confidence. A simple affirmation goes a long way.
Next, “prospecting”—baka naman kailangan lang ng mga tiyuhin mo ng mas maraming opportunities to meet the ladies?
Sa panahon ngayon, maaaring makipagkilala through social networks both online and real life ha. So isama mo sila to meet people. Go to parties, events, get-togethers. Labas-labas din ‘pag may time. Magreto ka rin ng mga potential mates or dates para sa kanila. Maging Enting Kupido ka, who knows?
Ang payo ng tropa:
Hello Enting.
Hindi mo nabanggit kung ilang taon na ang mga tito mo na walang asawa, kasi baka nga medyo may edad na sila. Minsan kasi pag may edad na o matanda na nawawala na sa priority nila ang pag-aasawa.
Isa pa ring dahilan, baka naman wala silang work, ‘yun kasi ang pinakaimportante para mabuhay ang pamilya, di ba? Kaya siguro natatakot sila na mag-asawa.
Sa panahon kasi ngayon ay masyado nang mahirap ang buhay, baka ganoon na lang sitwasyong pinili ng mga tito mo. Malay mo ay makapag-asawa rin ang mga tito mo sa tamang panahon!
O naka-relate ka ba? Nanonood ka ba ng Dream Dad? Sabi nga nina President at Baby: Sa tamang panahon!. Hehehe…
Jenny
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.