PAREHONG NASA TAMANG KONDISYON

IPINAKITA ni Floyd Mayweather Jr. kung gaano niya siniseryoso ang laban nila ni Manny Pacquiao nang ipamalas ang magandang kondisyon sa isinagawang 30-day weight check ng World Boxing Council (WBC).

Ang walang talo at pound-for-pound king na si Mayweather ay tumimbang sa 150.5 pounds halos tatlong linggo pa para sa kinasasabikang laban sa Mayo 3 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.

Nangangahulugan ito na hindi magkakaroon ng anumang problema sa timbang ang 38-anyos na si Mayweather dahil ang laban nila ni Pacquiao ay gagawin sa 147-pound welterweight division.

Hindi naman nagulat ang mga nangangasiwa sa paghahanda ni Mayweather ang nangyari dahil alam nilang kondisyon na kondisyon na ito para sa pagtutuos ng dalawang tinitingalang boksingero sa kapanahunang ito.

“I’m going to be honest with you. All of Floyd’s work that he’s already put in, he’s got enough to beat Pacquiao right now. Everything is right where we want it to be. Everything is on target,” wika ng ama at trainer na si Floyd Mayweather Sr. sa Las Vegas Review Journal.

Nakataya sa laban ang WBC, WBA at WBO belts pero higit dito, ang mananalo sa laban ang kikilalanin bilang pinaka-mahusay na boksingero ng henerasyong ito.

“He knows this is the biggest fight in boxing history. He’s going to make sure he’s ready,” dagdag pa ng tiyuhing si Jeff Mayweather.

Lahat na ng klase ng pagsasanay, mula sa pagsisibak ng kahoy at paglangoy ay isinama sa training regimen ni Mayweather.

Bilis at kakayahang magpakawala ng maraming sunud-sunod na suntok ang pangunahing sandata ni Pacquiao pero may pangontra raw para rito si Mayweather.

“He’s (Mayweather) physically stronger than he’s been. We trained hard from the start and he’s got a fast right hand working. It’s so fast, Pacquiao is going to feel like he’s getting jabbed, Floyd’s going to hit him so often with the right,” sabi ni Mayweather Sr.

Kung nasa wastong kondisyon si Mayweather, gayundin si Pacquiao.

Ayon sa ulat ng PhilBoxing.com, itinigil ni Freddie Roach ang sparring sessions ni Pacquiao noong isang araw sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California sa pangambang baka sumobra ang pagsasanay ng kanyang alaga.

Nais ni Roach na maabot ni Pacquiao ang tuktok ng kanyang kondisyon sa araw ng laban pero sa itinatakbo ng kanyang training ay baka mag-peak ng maaga si Pacquiao.

“Frankly, I really have no problem with him as far as training is concerned, my problem though is he doesn’t want to stop,” wika ni Roach. “My problem, actually, is how to hold him back.”

Seryoso aniya si Pacquiao sa kanyang training at ang tanging paraan pa huwag ma-overtrain at ma-overfatigue si Pacquiao ay pansamantalang itigil ni Roach ang ilang nakatakdang sparring sessions.

“As you know, Manny is a freak as far as training is concerned. While he knows how to prepare himself for a fight, he has the tendency to overdo things up,” ani Roach.

Sabi pa ni Roach, kalimitan ay nagpapatuloy sa pag-ensayo si Pacquiao kahit pa tapos na ang itinakdang oras ni Roach para sa kanyang training.

“Manny, you see is very energetic When he trains, he really trains as he trains,“ aniya.

“Sometimes, during sparring, I would set a 10-round session, but he’ll still ask for one or two more rounds. When we do the mitts for 12 rounds, he will ask for more and so on and so forth. I really have to put him to where he should be. I have to put the rein on him like a horse.”

Read more...