SA nakaraang presscon ng “Kid Kulafu” na pagbibidahan ni Buboy Villar, nabanggit ni direk Paul Soriano na sobrang nagpapasalamat siya kay Manny Pacquiao dahil ipinagkatiwala sa kanya ang pagsasapelikula ng buhay nito noong bata siya at nagsisimula pa lang maging boksingero.
Kuwento ni direk Paul, “This film reminds him of where he came from. He came from nothing. This movie brought him back to those days where he was Emmanuel, Quiao, Manuel. That was his name before.”
Ang pagiging totoo raw ni Manny sa sarili ang nagustuhan ni direk Paul dahil naikuwento nito ang hirap kung paano siya nagsimula na talagang nakapukaw sa kanyang damdamin.
Bukod dito ay sobrang paghanga rin ni direk Paul dahil kaya ni Manny na pagbuklodin ang mga tao sa araw ng laban niya.
“Where can a hundred million people come together for an hour and still be at peace? He’s able to unite big networks. I felt that wow! This young boy who grew up in Sarangani, in Bukidnon, in the mountains is able to influence not just the Philippines but the world.
“And on May 3, the world will stop and watch our hero Manny Pacquiao. Win or lose, he’s got my support, and I think every Filipino can say that too,” pahayag ni direk Paul.
Timing nga rin ang pagpapalabas ng “Kid Kulafu” sa Abril 15 handog ng ABS-CBN, Star Cinema at Ten17 Productions dahil pagkatapos nito ay mapapanood na nga ang biggest history sa kasaysayan ng boksing, ang bakbakan nga nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa Mayo 3.