Iisa ang request ng milyun-milyong Pinoy na patuloy na tumututok sa Primetime Bida series na Forevermore na pinagbibidahan ng phenomenal loveteam nina Enrique Gil at Liza Soberano: wag munang tapusin ang serye at sana’y ma-extend din ito nang ma-extend tulad ng Be Careful With My Heart.
Feeling kasi ng mga manonood, malapit nang matapos ang Forevermore dahil nga gabi-gabi ay punumpuno ng highlights at nakakakilig na eksena ang serye. Kaya hiling nila sa mga bossing ng ABS-CBN, patagalin pa ang Forevermore dahil sa inspiring at nakaka-in love na kuwento nito.
In fairness, hindi lang ang mga bagets na fans nina Enrique at Liza ang nag-eenjoy sa Forevermore, kundi pati na rin ang mga magulang at iba pang miyembro ng pamilya dahil sa mga karakter nina Joey Marquez, Irma Adlawan, Mang Bangky, Lilet, Zoren Legaspi, at iba pang karakter na tumatak na sa puso at isip ng madlang pipol.
Idagdag pa nga ang nakakatuwang karakter ni Diego Loyzaga na ka-love triangle nga nina Enrique at Liza sa kuwento. Sabi nga ng ilang netizens, si Diego ang iilan sa mga third party characters sa mga teleserye ang hindi nakakabwisit. At naniniwala kami na isa ‘yun sa mga magic formula ng Forevermore, ‘yung kahit may mga kontrabida, hindi ka mapapagod sa panonood dahil mamahalin mo rin sila, tulad ng mga bida.
Napapanood pa rin ang Forevermore gabi-gabi sa Primetime Bida after Dream Dad.
Samantala, sa isang interview naman, sinabi ni Enrique na hindi siya mapapagod na maghintay kay Liza, alam niyang hindi pa ito pwedeng makipagrelasyon dahil 17 pa lang ang Kapamilya princess.
Enjoy lang daw muna sila sa kanilang special friendship, “Para sa akin ‘yun ang exactly the same thing eh, I am having a best friend, she’s not only a friend, siyempre there is something more special than that dahil siyempre gusto mo siya at pag pinagsama mo ‘yun jackpot na, solid ‘yun, at siyempre super happy.”
Sa ngayon marami pa siyang nadi-discover sa kanyang ka-loveteam kaya mas lalo niya ito nagugustuhan, “Sobra siyang humble at mas nagustuhan ko siya when nalaman ko ‘yung kwento ng buhay niya, doon talag ako na-wow.”