Sumpa ni Mega: Hinding-hindi na magpapa-lipo

sharon cuneta

Hinding-hindi na magpapasipsip ng taba si Megastar Sharon Cuneta sa pamamagitan ng liposuction.

Inamin ni Mega na nagpa-lipo na siya noon para maibalik ang dati niyang timbang pero hindi naman daw ito naging effective sa kanya. “Nakapagpa-lipo na ako years ago and hindi ka naman maglo-lose ng weight sa lipo lang.

The amount of weight that I have to lose, which the majority I already lost, hindi makukuha sa surgery,” chika ni Sharon sa isang panayam. Dugtong pa nito, “Ask anybody who has had lipo, ‘di ba, it doesn’t work that way.

Hindi mo malu-lose ‘yung ganito kalaking weight sa lipo lang or any other form of surgery.” Matapos ang matinding pagda-diet, nakapagbawas na ng 40 pounds si Sharon, pero kailangan pa raw niyang mag-lose ng 15 pounds para sa kanyang ideal weight.

Ayon pa sa TV host-singer-actress na isa rin sa jurors ng reality talent show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar, gusto raw niyang gayahin ang ilang veteran Hollywood actress kapag nagkaedad na siya, “Gusto kong tumanda like Meryll Streep and Helen Mirren.”

Read more...