Kilalang chef inahas daw si Divine Lee kay Victor Basa

divine lee

HIWALAY na pala sina Victor Basa at Divine Lee dahil sa common friend nila.

Kuwento sa amin ng source ay nasulot daw si Victor ng kaibigan nilang si Chef Jeremy Favia. Si Jeremy ay kasalukuyang may programa sa Channel 41 (TV5) pero nauna na siyang napanood sa QTV 11 noon.

Ang tsika sa amin, “Yung Chef Jeremy na ang kasa-kasama ni Divine. Kahit barkada tinatalo na niya.” Hindi na kasi nagkikita’t nagkakasama sina Divine at Victor dahil, “Busy sa triathlon du’n binubuhos ni Victor ang oras.

Nagta-try si Victor na kausapin si Divine pero hinaharang ni Jeremy. Kahit daw message ni Victor sa Twitter or Instagram ni Divine binubura nu’ng Jeremy. Pinakikialaman nu’ng Jeremy.”

Samantala, duda ng mga kaibigan ni Divine ay may ibang plano si Chef Jeremy, “Mukhang magagamit si Divine kasi kapit-tuko ‘yung guy. Kahit sa out-of-the-country trips, si Jeremy na lang ang isinasama ni Divine.”

Bakit nga ba nagkahiwalay sina Divine at Victor, “Ang sabi nagbago raw ugali ni Victor, sabi ni Divine. Pero ang feeling ng mga kaibigan n’ya na-bore si Divine kay Victor.”

Nabanggit ding gusto ni chef Jeremy na magkaroon ng sariling restaurant kaya raw si Divine, “Mukhang papagawan ni Divine ng resto kasi may na-meet silang international chef sa Hongkong,” sabi sa amin.

Mabigat ang mga paratang na ito laban kay Chef Jeremy, kaya bukas ang pahinang ito sa explanation nila ni Divine.

Read more...