IC Mendoza may gustong sabihin kay Inday Badiday

ic mendoza

Tagged as the heir apparent and royalty of intrigues ang host ng bagong talk show sa TV5 na Showbiz Konek na Konek na si IC Mendoza. True naman ‘yun dahil hindi na lingid sa marami ang “pinagmulan” ni IC.

Grandmother niya ang Queen of Intrigues na si Inday Badiday at ina niya ang French-learned talk show host din na si Dolly Ann Carvajal. Kaya hindi kataka-taka na bata pa lang ay kinakitaan na ng future si IC to follow the footsteps of his lola and mommy.

“Actually, nakalagay po ‘yan sa prophecy ko sa yearbook ko noong high school I really want to be a talk show host. Kasi pinasulat sa amin ‘yung what you want to be after high school.

Sinulat ko doon I want to be a TV talk show host or a volleyball player,” pag-amin niya noong makausap namin siya sa presscon ng Showbiz Konek na Konek.

Tingin ba niya destined talaga siya to be the next showbiz royalty talk show host? “Well, sana. Ha-hahaha! Sana po tuluy-tuloy, but definitely destined siya, wow!”

Syempre, super happy daw ang Mommy Dolly niya sa bago niyang programa sa Happy network. “Hindi siya umattend ng presscon pero siya ang unang nagsulat.

She’s very proud naman din na ano, na meron ako’ng bagong show at meron ako’ng mga bagong kasama. Very, very proud,” ngiti niya.

Seven years nang host ng talk show si IC kaya may ‘lisensya” na raw para ihilera siya sa King of Talk na si Boy Abunda.“Wow! Grabe! Ang layu-layo pa.

But well, ano salamat naman but actually talaga isa si Tito Boy sa mga pinakatinitingala ko talaga na mga host and sana kung swertihin kahit half ng galling niya ang mapunta sa akin sobrang saya na ako,” ngiti niya.

Kung King of Talk si Kuya Boy and since ang lola niya na si Inday Badiday ang tinagurian bilang Queen of Intrigues, we might as well call IC as the King of Intrigues ngayon.

“Ay, wow! Ang saya, ang sarap pakingggan pero ano po, kailangan po na pagtrabahuan ko nang maayos bago ko i-claim ang title na ‘yan. Pero ngayon po, haping-happy ako na meron tayong bagong show.”

If ever buhay pa ang kanyang grandma na si Ate Luds, ano kaya ang sasabihin niya rito? “To my grandma, I hope I’m making you proud. Sana nandito ka ulit. I know you’re proud of me. Yeah, I know proud siya sa akin,” ngiti ni IC.

Read more...