Vice rumampa nang naka-swimsuit sa Miami Beach, USA; nag-trending
NAG-TRENDING na naman ang TV host-comedian na si Vice Ganda sa Twitter at iba pang social media dahil sa mga kumalat na litrato niya na kuha mula sa isang Miama beach sa Amerika.
Todo-pose ang ginawa ng It’s Showtime host habang rumarampa sa napakagandang beach ng Miami suot ang kanyang bonggang-bonggang swimsuit.
Girl na girl ang kanyang itsura sa mga litrato dahil suot din niya ang kanyang long blonde wig.Ayon sa ulat, kuha ang mga litrato ni Vice nu’ng magbakasyon siya sa US during the Holy Week break na ipinost naman sa Instagram ng isa sa mga kaibigan niyang stylist na si Teejay.
Siyempre nang makita ng kanyang fans (Little Ponies) ang kanyang mga sexy pictures, agad nilang nire-post ito sa kanyang IG at Twitter. Ilang sandali lang, ang ginamit nilang hashtag “#ViceGandainMiami” ay naging top trend topic agad sa Twitter.
Bukod dito, nag-post din si Vice ng ilang litrato na kuha naman sa iba’t ibang bahagi ng Amerika na kanilang pinuntahan para naman sa kanilang series of shows doon ng iba pang Kapamilya stars.
Meron din siyang kuha sa ilang bahagi ng New York.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.